Sa mansion ng mga del Castillo. " david nasaan ang kuya mo? Bakit yata ilang araw ko na siyang hindi nakaka-usap?" tanong ni don Ramon sa anak niyang si david habang kumakain sila ng agahan. Kasalo nila sa pagkain si donya Vicky, ngunit tahimik lang itong kumakain na waring nakikinig lang sa pinag-uusapan ng mag ama. " ay si kuya dad.. Talagang hindi niyo po yun makakausap dito.. Dahil hindi naman po siya umuuwi.. Ang alam ko po kasi nung isang araw pa siyang umalis. Kwento sakin ng driver niyang si mang Arthur. Nagpahatid lang daw si kuya sa kanya sa Quezon.." tugon ni david habang kumukuha ito ng ulam sa plato. " Quezon? Anong ginagawa nun sa Quezon?.. " Tanong muli ni don Ramon kay david na ng mga sandaling iyon ay kasalukuyan itong sumusubo ng pagkain sa bibig. Hindi muna sumagot

