Ella POV:
Nasaan na kaya si Aling Sonia sana mahanap na siya kaagad. Paano nalang si Eloisa kapag may hindi magandang nangyari sa nanay niya. Kawawa naman ang kaibigan kong yun ni hindi nga niya nakilala maging ang kanyang ama. Mamayang hapon ay pupuntahan ko ulit si kapitan kung may balita na sila kay Aling Sonya.
Pupuntahan ko nga ulit ang bahay nila Eloisa baka sakaling may makita akong ibedensya na makapag tutukoy kong umalis ba talaga ng kusa si aling sonya o may sapilitang nangyari kaya ito nawala.
Naglalakad ako papunta sa bahay nila Eloisa ng medyo malapit na ako ay may natanaw akong dalawang lalake na palinga linga sa harapan ng bahay nila. Ang isang lalake ay medyo matangkad na sa tansiya ko ay mga 5'8" ang height naka jacket ito ng itim at naka bonnet ng kulay brown. Habang ang isa naman ay mas maliit at malaki ang tiyan. Naka suot naman ito ng sumbrero na puti. Patuloy ko silang tinititigan mula sa aking kina tatayuan. May sinabi sila sa isa't isa at maya maya pa napansin kong paalis na sila dahil umikot sila paharap sa gawi ko. kung kaya't dali dali akong nag tago sa likod ng puno ng langka bago pa ako nila mapansin.
Nang ma siguro kong wala na sila. Dali dali akong tumakbo palapit sa bahay ni Eloisa. Binuksan ko ang gate nila na gawa sa kahoy at humakbang palalapit sa pinto ng kanilang bahay. Nang tuloyan na akong makapasok sa loob ng kanilang bahay ay kaagad kong inisa isang tingnan ang bawat sulok ng kanilang bahay baka sakaling may mapansin ako na kakaiba. Nang medyo nahilo na ako kaka ikot naisipan kong umupo na muna sa kahoy nilang upoan sa may sala. Habang nag iisip ako kong saang parte pa ako ng kanilang bahay pupunta napa gawi ang tingin ko sa divider na pinag papatungan ng maliit na radyo may napansin akong naka ipit na maliit na papel. Tumayo ako at tiningnan ko ito at may naka sulat na "Ramon Del Castillo - 09281234567" kaagad ko itong ipinasok sa bulsa ng short ko. Mamaya pag kauwi ko ng bahay ay susubokan kong tawagan ang cellphone number na naka saad dito. Baka sakaling may kinalaman ang Ramon del Castillo na ito sa pag kawala ng nanay ni eloisa.
Nang makontento na ako sa mga pinuntahan kong sulok ng kanilang bahay ay nag desisyon akong umuwi na dahil bukod pa sa papel na naka ipit wala na akong ibang nakita pa na maa aring maka tulong para mahanap si aling sonya.
Nang maka uwi na ako ay wala parin sina nanay. sumama na rin kasi pati si nanay kay tatay na mag hanap ng maaring puntahan ni aling sonya.
Dali dali kung kinuha ang telepono para matawagan ang number na naka sulat dito. Nakaka ilang dial na ako ngunit hindi naman ma kontak. "The number you have dialled cannot be reached" Yan ang paulit ulit na sinasabi ng operator.
Nag decide ako na sa ibang araw ko nalang ulit tatawagan ang number na naka sulat dito. Maya maya pa ay nakita kong paparating na sila nanay at tatay. Pagka pasok palang nila ng pinto ay kaagad ko na silang tinanong kong may lead na sila kung nasaan nag punta si aling sonya. Pero agad na umiling si tatay.
"wala pa rin anak, nahihirapan din maging ang mga police.. Wala din naman kasi masyado kakilala si sonya dito.. Halos lahat ng alam naming nakakakilala sa kanya ay napuntahan na namin ng inay mo.." saad ni tatay.
"oo nga anak.. Napagod lang kami ng tatay mo. Pati nga mga naging amo sa trabaho ni sonya dati pinuntahan na rin namin ng ama mo.. Pero wala pa rin.. Matagal na raw na hindi napapa gawi sa lugar nila si sonya." saba't pa ni nanay.
Nang marinig ko ang sinabi ni nanay na iyon dali dali kaagad akong nag punta ng kusina upang ikuha sila ng maiinom. Nang maka balik ako kaagad ko rin Ikinuwento kanila nanay ang nakita ko kanina na dalawang kahina hinalang mga lalake. Babanggitin nalang daw namin kapag nag punta sina kapitan mamaya.
Eloisa POV:
Natapos ang maghapon ko sa trabaho ng nag iisip ng maaring dahilan sa pag kawala ni nanay. Nang mag uuwian na dinaanan ako ni ella sa pwesto ko at Napansin ako ni ella na walang gana at matamlay ang katawan.
"uy eloisa!.. Bakit may kakaiba sa iyo ngayon.. Masyado ka yatang matamlay at nanga ngalumbaba pa yang mga mata mo. Samahan pa ng malaking eye bag mo sa mata.. Naku baka maka salubong natin si sir david niyan sige ka bawas ganda points yan at baka mapansin pa ni sir yang mukha mong naka busangot.. Bakit may problema ka ba loisa?.. " kaagad niyang puna sa akin.
" oo rina malaki... Mag iisang linggo ng Nawawala ang nanay ko at hindi ko alam kong nasaan siya ngayon.. Wala kaming idea kung saan siya nag punta... " at hindi ko na napi gilang umiyak. Mas lumapit pa sa akin si rina at niyakap ako sabay himas sa likod ko.
"ay ganun ba... Sorry loisa, hindi ko alam na may ganyan ka palang pinag dadaanan.. Wala ba kayo kamag anak dito sa maynila na maari niyang puntahan?" tanong niya sa akin.
"wala eh.. Nag aalala talaga ako kay nanay ko.. Bulag kasi yun at mayroon pang karamdaman.. Hindi ko alam rina kung paano ako mabubuhay kapag tuloyang nawala ang inay ko sa akin.. Tanging siya lang ang meron ako.." kaagad kong sagot dito.
"ay ganoon ba.. Nakaka awa nga ang nanay mo.. Sana nga walang nang yaring masama sa kanya. Gusto mo sa bahay ka nalang muna umuwi para may kasama ka.. Mag isa lang din naman ako sa apartment dahil bihira lang umuwi ang boyfriend kong seaman. Mga limang buwan Pa bago siya uuwi kaya pwedeng pwede ka sa bahay.."
Sabi pa niya sa akin.
"sige rina salamat.. Pag iisipan ko.." kaagad ko namang sagot dito. At hinila niya na ako palabas ng building. Sabay kaming nag lakad papuntang terminal ngunit nauna akong sumakay sa kanya ng bus dahil may bibilhin pa daw siya sa mall.
Pagka uwi ko kaagad kong dinayal ang numero ng selpon ni aling pasing. Maswerte akong may sumagot kaagad at si ella ang nakasagot nito.
"hello ella.. May balita na ba kayo kay inay?.." kaagad kong bungad na tanong dito.
"sorry loisa wala pa eh.. Lahat daw ng alam nila nanay na kakilala ni aling sonya ay inisa isa na nilang pinuntahan pero wala daw ni isa sa kanila ang naka kita sa kanya.. Maging ang mga police wala paring nakukuhang lead. At kagagaling lang din ni kapitan dito kanina ngunit sa kasamaang palad wala parin silang makuhang impormasyon kong nasaan ang nanay mo.. " at narinig kong bumuntong hininga ito sa kabilang linya.
" ganoon ba ella... Salamat sa patuloy na pag babalita sa akin.. Sorry kung wala ako ngayon diyan para samahan kayo sa pag hahanap sa inay.. Nag paalam nga pala ako kanina sa supervisor ko na kailangan akong umuwi diyan sa quezon dahil nawawala nga si inay. Pinayagan naman niya akong umabsent ng 1 week para maka uwi diyan.. Mag tatanong tanong ako sa dati kong school kung may naka kita ba sa kanila kay inay..." sagot ko dito.
" sige loisa.. Tawag ka nalang ulit ha.. Sabihan mo ako kong anong araw kang uuwi para masundo kita sa babaan ng jeep. Magpaka tatag kay loisa my friend alam kong alalang alala ka sa nanay mo pero sana huwag mong pabayaan ang sarili mo.. Dito lang kami nila nanay at tatay para sayo.. Pamilya ka na rin namin.. " sagot niya sa akin.
" Hindi ko alam kung paano makaka bawi sa kabutihan ninyo sa amin ni inay.. Sana hindi kayo sumuko na mag hanap kay inay ella.. Paki sabi kanila aling pasing at mang cardo na sobrang nag papasalamat ako.. Ba bye.. " huling saad ko dito. At nawala na sa kabilang linya si ella.
Kumain lang ako ng nabili kong tinapay sa labas dahil wala akong ganang kumain. Tahimik napaka tahimik ramdam ko lalo ang bigat ng dibdib ko.. Halos maya't maya akong nag darasal na sana makita na si nanay o kung hindi man umuwi na siya ng ligtas.
Alas diyes na ng gabi ngunit hindi parin ako maka tulog. Biling baliktad ako sa higaan. Hindi ko parin maiwasan na di maiyak sa pag aalala ko kay nanay. Malamang mugto nanaman ang mga mata ko nito kinabukasan.
Alas dos na nang madaling araw ako naka tulog. At na gising ako kinabukasan ng ala singko ng umaga. Kaagad akong bumangon at kumain muna bago naligo. Alas sais palang ay umalis na ako dahil baka ma traffic nanaman ako sa magallanes.
Pag pasok ko sa office ay kaagad akong nag fill up ng absent form para maging legal ang pag absent ko ng isang linggo kahit na nag paalam na ako kay ms. Devine. Next week na ang uwi ko sa quezon at umaasa akong may magandang mangyayari sa pag uwi ko. Mahanap na sana namin si inay.
Ella POV:
Hindi ko na muna binanggit kay loisa na may nakita akong kahina hinala na mga lalake sa tapat ng bahay nila. Tsaka ko nalang sasabihin sa kanya pag uwi niya dito. Dahil baka lalo lang siyang mag isip. Ini report ko naman na kaagad noong araw na iyon sa mga police at naka record na sa kanila At nag abiso din si kapitan na pamamatyagan niya sa kanyang mga tanod ang bahay nila eloisa.
Bukas na ang araw ng pag uwi dito ni eloisa sana naman ay makita na namin si aling sonya. Kung bakit naman kasi nangyari pa ito kay aling sonya. Sino naman kayang masamang tao ang mag tatangka sa kanya gayong mabait naman ito bukod pa sa bihira lang naman siya kung lumabas ng kanilang bahay.
Eloisa POV:
Dalawang linggo ng nawawala si nanay at wala parin daw lead ang mga police kung nasaan siya. Bukas na ang araw ng pag uwi ko sa quezon. Tatawagan ko nalang si ella bukas ng umaga bago ako umalis dito sa maynila. Mag dadala lang ako ng kaonting mga damit at bibili nalang ako ng pasalubong para kanila ella. Lumipas ang mag hapon ko sa trabaho na hindi ko namamalayan ang oras. Binubuno ko sa trabaho ang aking sarili para lang kahit papaano ay mawala sa isip ko si nanay. Pero saglit lang at naiisip ko nanaman siya.
Kumakain ako ng baon kung tanghalian sa locker ng dumating si rina. Tumabi siya sa akin at kumain din ng dala niyang pag kain.
" uy loisa.. Kamusta kana..? Wala parin bang balita sa nanay mo? Agad niyang tanong sa akin.
" hindi parin nakikita si nanay eh.. Bukas na nga ang alis ko pauwi ng quezon. Sana nga sa pag uwi ko ay mahanap na siya.. Wala naman kasi akong alam na pwede niyang puntahan at kung sakali mang may pinuntahan lang siya bakit hindi naman siya nag paalam diba.. Haiysst... Sobrang nag aalala na talaga ako sa inay ko rina.. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa kanya.. " kaagad na sagot ko dito.
Muli siyang nag tanong." eh di hindi ka makaka dalo sa 25th anniversary party ng company niyan..? Naku kung wala ka doon malulungkot talaga ako.. Alam mo naman na ikaw ang pinaka malapit sa akin dito.. Ewan ko ba bakit andaming insikyura dito sa company na ito. Ang boboring nilang kasama alam mo ba yun.. "
" buti nga at kahit papaano sayo nakikipag usap sila eh sa akin wala talaga ikaw lang, bukod kay ms. Devine... At pa salamat ako dahil mabait ka sa akin.. Bukod sayo at kay ella kayo lang ang napag Sasabihan ko ng saloobin ko.. Yung kasama ko naman sa apartment na si ana ay umuwi na ng bicol.. Hayaan mo at pipilitin kong maka dalo parin ng party.. " sabi ko dito.
" eh ano pa nga bang magagawa ko friend kung hindi ang hintayin ka sa pag babalik mo para may kasabay na ulit akong kumain.." huli pa niyang sabi.
At nang matapos kaming kumain ay nauna na akong bumalik sa trabaho dahil gusto kong taposin muna lahat ng ipinapa gawa sa akin ni ms. Divine. At ilang araw din akong mawawala sa trabaho.
Eloisa POV:
Bago ako umuwi ng apartment ay dumaan muna ako sa palengke nag hanap ako ng maaaring ipang salubong kanina ella. At nang maka bili na ako ay kaagad naman akong umuwi na dahil mag liligpit pa ako ng mga dadalhin ko bukas pauwi ng quezon. Pagkauwi ko ay agad akong nag luto ng makakain nag prito nalang ako ng manok at medyo dinamihan ko na para may agahan ako bukas at ang matitira ay babaunin ko nalang sa biyahe.
Kinabukasan ay maaga akong nagising alas kuwatro palang ng madaling araw ay nagising na ako. Kumain kaagad ako at naligo. Habang nag bibihis napag masdan ko ang aking sarili sa salamin. Mas lalo akong pumayat dala na rin ng hindi ko pag kakatulog ng maayos at madalas wala rin akong ganang kumain. Malaki ang ibinagsak ng katawan ko ang dating may buhay kong mga mata ay naging malamlam at medyo nangingitim pa ang ilalim ng mga mata ko. Medyo pumuti naman ako dahil nawasa ang tubig dito sa maynila. Totoo nga yung sinasabi nila noon na naririnig ko lamang sa mga classmates ko na nakaka puti daw ang tubig na may halong chlorine dito sa maynila. Mas kuminis din ang balat ko dahil nakaka bili ako palagi ng lotion di tulad doon sa amin wala kaming lotion lotion ni nanay dahil kapos kami sa pera. Mas humaba na rin ang buhok ko at halos umabot na ito sa aking bewang. Nang maka pili na ako ng susuotin ay agad akong nag bihis. Nag suot lamang ako ng lagpas tuhod na jumper na palda at tinernohan ko ito ng blouse na kulay dilaw at brown na flat doll shoes na kabibili ko lang noong nakaraang sahod ko. Inilugay ko lang ang basa ko pang buhok mamaya ko nalang ipupusod sa bus kapag natuyo na.
Nang matapos na akong mag bihis ay kaagad akong umalis na bit bit ang back pack at may malaki akong tote bag na nakalagay sa aking kanang balikat. Hindi na ako nag dala pa ng shoulder bag dahil mas dadami lang ang nakasabit sa aking katawan. Nang makalabas ako ng apartment ay dumaan muna ako sa bahay nina aling ursula upang makapag paalam na mawawala ako ng isang linggo.
At nang makapag paalam na ako kay aling ursula ay nag lakad na ako papuntang terminal ng bus. At nang makasakay na ako ng bus ay na isipan kong tawagan si Ella.. Ngunit hindi ko naman makontak ang telephone number nila. Marahil ay wala nanamang signal doon. Napag pasyahan kong tawagan nalang ito ulit mamaya. Umidlip muna ako sa bus habang nag hihintay na mapuno ang bus sobrang inaantok pa kasi ako.
Naalipungatan ako ng makarinig ako ng mga maiingay na nag uusap sa likuran ko at napansin kong halos puno na pala ang bus. Narinig kong nag sasalita ang konduktor "oh paalis na! Paalis na! Quezon, quezon sino pa diyan ang quezon?!" sinubokan ko ulit i - dial ang numero nina ella at nag riring na ito. Ngunit naka apat na dial pa ako bago may sumagot at si aling pasing ang naka sagot.
"Hello eloisa iha! Kamusta ka na? Wala dito si ella inutosan kong mamili sa palengke masakit kasi ang tuhod ko kaya hindi ako pwedeng mag lakad ng malayo.." kaagad na sagot nito sa akin.
"sige okay lang ho aling pasing.. Ipapa alam ko lang ho sana na nakasakay na ako ng bus pauwi diyan at kasalukuyan na hong umaandar.. Paki sabi nalang ho kay ella.." saad ko dito.
"ah sige iha.. Sasabihin ko nalang kay ella mamaya pag dating niya galing palengke.. O paano ingat ka sa biyahe eloisa... Ingatan mong mga dala dala mo at huwag kang masyadong matutulog para alerto ka sa maaring mangyari sa paligid mo.. Tumawag ka nalang ulit mamaya kapag malapit ka na upang masundo ka ni ella sa babaan ng jeep.. " muli niyang saad akin.
" ah sige ho aling pasing.. Marami hong salamat.. " And she's gone off the line.
Meanwhile the Del Castillo couple have returned home to their mansion After two weeks being confined in the hospital of mr. Del Castillo.
David POV:
Every one is so busy preparing for the 25th year anniversary of the company. Ang kumpanyang pinag hirapang itayo ni daddy. Mabuti nalang Nakalabas na ng hospital si dad matapos ng halos dalawang linggo nitong pamamalagi sa hospital. Naisipan kong tawagan si kuya jordan. Jordan lang ang itinatawag ko dito at hindi kuya dahil magka sunod lang naman ang edad namin he's 32 and i'm 31.
"hello bro, daddy's company is celebrating 25th year this coming weeks.. Will you attend the celebration? Hopefully you can attend the celebration bro!.. Alam mo namang mahalagang pang yayari ito sa buhay natin lalo na kay daddy.." I immediately asked him.
" Yes I'll try to get there! I hope that Mr. Chua and I can get the negotiations done as soon as possible, so that i can go back there in Philippines.. Kamusta na nga pala sina mommy and daddy?.. " He asked me back.
" Don't worry they are both fine.. They were in the bedroom and resting already.. " I Answered to him.
" I'm glad that they are both fine now. I'll call later again bro. I have a meeting today with the boards. Bye.. " He said good-bye to me and ended the call.
Alam ko kung gaano kahalaga kay dad ang company na ito. Dito siya nag simula mangarap at Dahil dito kaya niya kami napag tapos ng pag aaral ni kuya. Ito kasi ang kauna unahang kumpanyang naitayo niya. Sinimulan niyang itayo ang company na ito noong bago ako isilang ni mommy. Dahil sa husay ni daddy sa larangan ng negosyo napa lago niya ito. Hanggang sa dumami na ng dumami ang branches nito. At mukhang si kuya ang naka mana ng galing ni daddy sa negosyo kaya nakapagpa tayo siya ng ilang branches sa iba't ibang panig ng mundo. Kuya and I are both graduated with a high degree Pero mas matalino siya sa akin. When we were young we always compared by others bakit daw si kuya mas magaling. Bakit daw si kuya mas gwapo. Palagi nalang ganoon ang naririnig ko sa mga tao.
Kahit si mommy palagi nalang si kuya ang kinakampihan niya sa tuwing mag aaway kaming dalawa. Madalas din si kuya ang isinasama niya sa mga party na dinadaluhan niya. Tanging si dad lang ang madalas na nanunuyo sa akin sa tuwing nasasaktan ako o di kaya may problema ako.
Nasa ganun akong pag iisip ng biglang tumunog ang cellphone ko. Malamang si klariz ang tumatawag may usapan kasi kami na mag kikita ngayon. I answered it immediately. "hello david..Where are you? I've been waiting for you here at the bar.. You're always late every time we meet." And I heard it blowing in the air.
" hey don't get mad at me! I'm coming! Just a few minutes.." I answered her immediately.
Anak ng isang congressman na isa ring negosyante ang ama ni klariz at mag dadalawang taon na kaming magka relasyon. Nakilala ko ang ama nito sa isang business trip. Siya ang dahilan kung bakit ko nakilala si klariz. Magka sundo naman kami nito kahit na may pagka spoiled brat kung minsan. At nakatakda na kaming ikasal sa susunod na taon.
Nang makarating ako ng bar kaagad kong hinanap si klariz at nakita ko siyang naka upo sa bar counter habang may hawak itong baso sa kamay. Hinalikan ko ito sa labi bago ako nag salita. " hey babe! I'm sorry, It was so problematic at home that I didn't leave right away.. Daddy's feeling getting worse again. Sinigurado ko munang okay na si dad bago ko sila iniwan ng bahay. Wala parin kasi si jordan at bukod sa mga kasambahay ako lang ang nakakasama nila.. " Kaagad kong paliwanag dito.
She answered me immediately." kaya nga babe, magpa kasal na tayo kaagad para sa inyo na ako tumira. Nang sa ganoon palagi na tayong magka sama. Palagi ka nalang busy diyan sa negosyo.. Wala ka ng time sa akin.."
Tumabi ako dito at hinawakan ko siya sa dalawang kamay.. " listen to me babe.. Just give me enough time to fix everything that has to be fixed.
Look, palaging wala si kuya at madalas atakihin si dad ng sakit niya.. Paano ko maaasikaso ang kasal natin.. Please understand me babe... Gusto ko nasa ma ayos ang lahat bago tayo ikasal.. And besides nandito lang naman ako sa pilipinas you can see me anytime you want.. "
Bumuntong hininga siya habang naka tingin parin sa akin." alright babe I'll just wait for you when you are ready.. Ano pa nga bang magagawa ko diba.. Mahal kita... " at niyakap ko siya ng may pag haplos sa kanyang likod. Nang nag sawa na kami sa bar ay inihatid ko siya sa kanyang condo unit. But when I brought her to her condo she didn't let me go home. So I decided to sleep with her.
Kinabukasan ay maaga lang akong umalis ng condo ni klariz at dumaan lang sa bahay para makapag palit ng damit. Nang maka uwi ako ay naabutan ko si daddy na nagka kape. " hey dad! Kamusta, kamusta ang iyong pakiramdam? Are you feeling well?.." kaagad kong tanong dito.
" i'm a little bit okay son.. Mamaya pupuntahan ulit ako ni marlon para i check.. Kamusta sa office? Is everything ready for the party?!" he asked me back.
" yes dad, nothing to worry.. I can manage everything well.. Mag pahinga ka lang dad.. Para sa event natin ay maganda ang pakiramdam mo.. " ngumiti ako dito at tinapik siya sa balikat." anyway, where's mom dad? Bakit hindi ka niya sinamahan dito.. Akala ko ba kaya ayaw niyang kumuha tayo ng private nurse ay dahil sa gusto niyang siya ang titingin sayo..? Kaagad kong balik tanong dito.
" nag paalam siya kanina na may bibilhin lang sandali at babalik daw siya kaagad.. Huwag mo akong alalahanin iho okay lang ako.. Marami naman tayong katulong diyan. Gusto ko lang talaga mapag isa kong minsan.. Hindi naman pwedeng palagi kaming mag kasama ng mommy mo.. " kaagad niyang paliwanag sa akin. At humigop ito ng kape. Nag paalam na rin ako dito na aakyat muna sa aking kuwarto at aalis din kaagad dahil nagpa tawag ako ng meeting sa empleyado.
Nang makapasok ako ng kuwarto naligo ako ulit kahit na naligo naman ako sa condo ni klariz nakaka ramdam kasi ako ng init dala na siguro ng pressure sa trabaho. Dahil lingid sa kaalaman ng pamilya ko ay humihina ang stock market ng company. Unti unting nababawasan ang nag iinvest sa amin. Our company is a construction firm pero dahil sa nang yayaring pandemic na nararanasan ng buong mundo ay pakonti ng pa konti ang nag iinvest.
Bukod sa aking mga employees ay wala akong pinag sabihan sa pamilya ko at maging si klariz ay wala ring alam tungkol dito. Naniniwala kasi ako na kaya kong pag tagumpayan na maiahon ang pagka lugi ng kumpanya. Nang matapos maligo ay agad na akong nag bihis at nag paalam na ako kay dad na aalis na.
Eloisa POV:
Malapit na ako sa quezon ng tinawagan ko ulit si aling pasing para ipaalam dito na malapit na akong bumaba ng bus. At isang sakay lang naman ng jeep ay sa baryo na mismo namin ang babaan. Dahil sa baryo namin ang terminal din ng mga jeep. Unang dial ko palang ay may sumagot na kaagad.
"hello eloisa wala pa dito si ella. Malapit ka naba? Ako Nalang ang susundo sa iyo. Ewan ko ba sa batang yun Malapit ng mag dilim ay wala parin.." saad nito na may pag aalala sa boses.
" ganun po ba aling pasing.. Hindi niya po ba dala ang cellphone niya? Teka ho at susubokan ko siyang kontakin sa cellphone niya.. " muli ko pang sabi dito.
" naku iha! Huwag na at sira ang cellphone niya.. Hindi niya ba nabanggit sa iyo na noong umalis ka papuntang maynila ay may ilang araw lang ay nasira ang cellphone niya at hanggang ngayon ay hindi pa napapagawa. Kaya hindi rin natin siya matatawagan.."