Chapter 18

2269 Words
"Does it still hurt?" Colton asked as soon as I opened my eyes. I sighed and tried to lift myself from the bed, but my body was still weak. Inalalayan niya ako pasandal sa headboard at doon ko lang napagtanto ang tinutukoy niya. He was putting something on my swollen knee; nang gumalaw ko ay naramdaman ko ang kirot doon. Seryoso ang mukha ni Colton at kumpara kanina, mas kalmado na ito. Bumalik sa isip ko ang lahat nang nangyari at hindi ko pa rin maiwasan na makaramdam ng kaba dahil sa mga nalaman. He caressed my swollen knee as his other hand went on mine. Nanginginig ang kamay ko nang dalhin niya, 'yon sa labi niya. He kissed my hand and rested his cheeks there. "I'm sorry if I hurt you; I was just driven by jealousy." I felt my heart rate double after his confession. Hindi ako nakapagsalita at sa halip at tila ba may sariling buhay ang isang kamay ko ay hinaplos ang buhok niya. "N-Nasaan na si Aljur, Colton?" seryosong tanong ko. He sighed and stared at my face. He scanned my face as if it were his first time seeing me up close. "Azrael went here earlier to clean up the mess; he probably dumped that man's body somewhere," he replied using his monotone voice. Tumaas ang balahibo ko nang isipin ko pa lang na si Colton ang gagawa ng gano'ng bagay. Napansin naman niya 'yon kaya umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako. His warmth somehow calmed me. Nawala ang panginginig sa kamay ko at gusto ko na lang matulog katabi siya at kalimutan ang lahat ng nangyari. "I'll wait until you fall asleep. May kailangan lang akong puntahan," mayamaya'y saad niya. "Saan? Malalim na ang gabi, bukas mo na asikasuhin 'yan, please," pakiusap ko at humawak sa damit niya. Naramdaman ko ang init ng kamay ni Colton sa balikat ko na marahang humahaplos doon. Yumakap ako sa katawan niya at binaon ang mukha ko, hindi ko alam kung paanong kanina lang ay galit na galit siya sa 'kin ngunit ngayon naman ay nakayakap na 'ko sa kanya. "I just have to go to our headquarters now, kailangan ako roon," paliwanag niya. Napabuntong hininga ako at nag-angat ng tingin sa kanya. His blue eyes looked tired and sleepy, but lalo kong hinigpitan ang yakap sa kanya at pinatakan ng halik ang kanyang labi. I don't know; I just felt like I needed to. Binuhat ako ni Colton at pinaupo sa kanyang hita. Naramdaman ko ang braso niya na umikot sa maliit kong bewang habang hinahalikan niya ako. Yumakap din ang braso ko sa leeg niya at mas lalong diniin ang sarili ngunit kaagad akong napadaing nang tumama ang tuhod ko sa matigas na bagay. "f**k! I'm sorry, does it too hurt? Do you want me to take you to the hospital?" nag-aalalang tanong ni Colton at ch-in-eck ang tuhod ko. Napakagat ang sa labi dahil nabitin ako sa halik namin. Inayos ni Colton ang buhok kong nagkalat sa mukha ay nag-aalalang hinintay ang sagot ko. "Hindi naman gaano kasakit, hindi na kailangan pang dalhin sa hospital," pagdadahilan ko dahil 'yon naman talaga ang totoo. He released a deep breath and hugged me; his face was buried in the crook of my neck. "I don't know how I hurt you like that, Amaia. I was so blinded by anger that even I couldn't believe that I could hurt you. I'm sorry for what I did; I regret all of those. Kinain ako ng selos, sorry." Napangiti ako sa sinabi niya. Gusto kong sabihin sa kanya na ayos lang at naiintidihan ko ngunit may parte sa puso ko na kumikirot sa tuwing naalala ang nangyari. He laid me in bed and caressed my face. Nakaramdam na ako ng antok ngunit pinilit kong labanan 'yon dahil gusto ko pang titigan ang mukha ni Colton. Guilt and sadness were evident in his face. I really want to assure him, but there's something that's stopping me. I just sighed and held his hand tightly. Naramdaman kong pinatakan niya ng halik ang noo ko nang tuluyan akong mapapikit. Sana lang paggising ko ay ganito pa rin kami. Colton didn't go home the next day. Nag-aalala ako dahil usually, kahit madaling araw na ay pinipilit niya pa rin na makauwi sa bahay ngunit ngayon ay buong araw talaga siyang hindi nagparamdam sa 'kin. I wanted to call him, but I don't have my phone with me. May telephone sa bahay ngunit limitado lang ang natatawagan doon dahil kontrol din ni Colton ang lahat ng telephone sa bahay. I sighed and just cleaned the house, so if he would go home, everything would be light and calming. Masakit pa rin ang tuhod ko, pero hindi na tulad ng kagabi. Nang matapos ay sa second floor, naman ako naglinis. Sinubukan kong buksan ang office ni Colton at nagulat pa ako nang mapagtanto na hindi 'yon naka-lock tulad ng lagi niyang ginagawa. I slowly entered the place, amazed at how the office was neatly cleaned and everything was arranged in its place. Mayroong estante na naglalaman ng mga libro at sa sulok naman nakalagay ang table at chair niya. There is also a couch and a mini-living room where Colton can relax after finishing his works. Lumapit ako sa table ni Colton at sinimulang ayusin ang mga papeles na nagkalat. They were also folders scattered on the floor, and I sorted them and put them back on the table neatly. Nagsimula akong maglinis sa loob ng office niya ngunit hindi naman ako nahirapan dahil malinis na 'yon. Umupo ako sa office chair niya at muling nilibot ang paningin sa loob ng kwarto. There was a door near the bookshelf that I didn't still check dahil pagod na rin ako ngunit pinuntahan ko pa rin upang tignan. I opened the door, and it was locked. Nilibot kong muli ang panigin sa office at sinubukang hanapin ang susi upang malaman kung ano ang nasa loob ng pintong 'yon. I opened Colton's drawer, and suddenly, I saw keys there. Inisa-isa ko ang lahat ng 'yon at halos mapasinghap nang bumukas ang pinto. Bumungad sa akin ang isang madilim na kwarto at kumpara sa opisina ni Colton, ang lugar na ito ay mukhang madalang niyang puntahan. Wala akong makita kung hindi dilim at pinilit kong kapain ang switch ng ilaw sa wall. I smiled when I felt the switch, but it faded when the light scattered throughout the room and revealed the guns, equipment, different knives, and other fighting gear that Colton has. Halos manghina ang tuhod ko sa mga nasaksihan. This was the side that I never expected Colton to have. Nanginig ang tuhod ko at nilibot ang paningin sa paligid upang isa-isang tignan ang mga kagamitan. Malinis na naka-display ang malalaking baril sa dingding at ang malilit naman ay nakalatag sa lamesa kasama ng iba't ibang kutsilyong matatalas. Mayroong estante na naglalaman ng mga kutob ko ay bomba. My breathing hitched, and I immediately went out of the room because the atmosphere would probably kill me. Hindi ko kinaya ang lahat ng laman. Ang akala ko ay kilala ko na ang asawa ko, may mga bagay pa pala akong hindi alam sa kanya. I clenched my fist and locked his office before going back to our room. Puno ng pawis ang noo ko at nangangatal ang labi dahil sa kaba. Maraming tumatakbo sa isip ko ngunit ayaw kong i-entertain ang lahat dahil ayaw kong pag-isipan ng masama si Colton. He already explained to me last night that he only kills criminals; I should believe that. Umupo ako sa kama at natulala sa sahig. The door of my room opened, and I was expecting that it was Colton, but my heart raced when I saw a familiar guy wearing a cold and dangerous expression walking towards me. Napaatras ako sa kama at nangilid ang luha. "Nice to meet you again, Amaia," he said in a painful, slow manner. My chest tightened as memories flooded my mind. The day that Colton was punching him—saw myself naked under the sheet—and when Colton accused me of sleeping with him. And all along, I was living with the lie that he was already dead. "Stop! Don't go near me!" sigaw ko nang dahan-dahang siyang lumapit. Yosemite smiled at me like a freak. Tumayo ang lahat ng balahibo ko sa batok. Nakasuot lang siya ng itim na polo shirt and pants; hindi ko alam kung paano siya nakapasok sa bahay dahil mayroong bodyguards sa labas. "Didn't you miss me? Grabe ka naman, Amaia. This is how you treat the man who slept with you a year ago?" I screamed when he attempted to touch me. Kinuha ko ang unan at umiiyak na binato 'yon sa kanya. Nanginginig na ako sa sobrang takot at galit, gusto kong tawagin si Colton ngunit hindi ko alam kung papaano. "Umalis ka na, please! Umalis ka na! I don't want to see your face, Yosemite! Umalis ka na!" pakiusap ko. Vivid memories were still playing in my mind like tape. Simula nang makita kami ni Colton na magkasama sa kama hanggang sa duguin ako dahil sa nangyari. My child... I lost my child because of him. Sana kasama pa namin siya ngayon kung hindi lang umeksena sa buhay namin si Yosemite. Nanay na sana ako ngayon, at masaya kami ni Colton na magkasama. A tear fell from my eye when Yosemite sat on the bed and fixed his gaze on me. My hands were trembling in fear, and I was contemplating whether to run or hit him. I am mad at him. I wanted to kill him again, but his mere face was enough to melt my courage away. "Balita ko, hindi ka raw natanggap ni Colton matapos ang nangyari?" he stated, roaming his eyes around the room. "Napakagago lang niya, nakita lang na hinahalikan kita, naniwala kaagad." My heart hammered inside my chest when he chuckled. "Wala naman talagang nangyari sa 'ting dalawa, Amaia. I just kissed you, and surprisingly, you kissed me back, but you know what's fueling my anger? When you moaned Colton's name." Biglang dumilim ang mata ni Yosemite at sinamaan ako ng tingin. Nanginig ako sa takot at kaagad na napayakap sa sarili. "Anong mayro'n sa gagong 'yon na wala ako, Amaia? Putang-ina, mas nauna ako kaysa sa kanya, pero mas pinili mo siya! I loved you so much that I sacrificed everything for you, but anong ginawa mo? You chose him over me! You f*****g accepted his engagement and dumped me!" Natulala ako sa sinabi niya. I couldn't understand his words because we never became official. Oo naging fling ko siya, pero kahit kailan ay hindi naging kami! Dumoble ang kaba ko nang dahan-dahan siyang ngumiti ng malaki sa akin na para bang may nakakatuwa sa nangyayari. "I missed your lips, Amaia. I missed the touch of your mounds and body. I f*****g missed hearing your moans," dahan-dahan niyang saad. Tuluyan akong napahagulgol nang maalala ang nangyari ng araw na 'yon. Before I slept, he made me drink a glass of milk. Inubos ko 'yon at nakatulog kaagad dahil nakaramdam ako ng hilo. Then suddenly, I felt someone kissing my neck, and Colton's face flashed in my mind. Sinubukan kong magdilat ng mata ngunit lubos akong nanghihina at tinawag na lang ang pangalan niya. I was kissing him back with the thought that it was Colton. Ang pabango ni Colton maging ang mouthwash na ginagamit, I could smell it! But there's something off because our kisses didn't send me on fire. Until I fell asleep again, woke up, and saw Colton's mad face. Nanghihina ako napasabunot sa buhok nang maramdamang kumirot 'yon. Natagpuan ko ang nakangiting mukha ni Yosemite. "Naalala mo na ba? 'Yong paraan ng paghalik ko, Amaia. Mas magaling ako kay Yosemite, 'di ba?" He's f*****g insane! Nababaliw na siya! Lumapit siya sa 'kin at halos masuka ako nang hawakan niya ang kamay ko. Sinubukan kong umiwas ngunit mahigpit ang hawak niya, kaya nagawa niyang haplusin ang pisngi ko. "H'wag kang umiyak, Amaia. Sinusubukan ko lang naman ipaalala sa 'yo 'yong nangyari, hindi ka ba masaya? Gusto kong magtampo dahil ginawa mo talaga noon ang lahat para mapatay ako, pero kita mo nga naman, mukhang pati ang tadhana gustong magkatuluyan tayo uli," he muttered and chuckled. "Nakakadiri ka! Kahit kailan, hindi ako magmamahal ng taong katulad mo!" sigaw ko sa kanya at dinuraan ang mukha niya nang ilapit niya 'yon sa akin. Hindi siya nagulat at halip ay natawa pa. "I like this side of you, Amaia. Masyadong palaban. I wonder kung ganito ka rin sa kama..." Binalot ng takot ang sistema ko nang hagurin niya ng tingin ang katawan ko. I tried to kick his body, but natatawang umiwas lang siya. "Colton will kill you. My husband will kill you, tandaan mo 'yan. H-Hindi siya papayag na mabuhay ka matapos ang ginawa mo! You killed our unborn child, demonyo ka! Demonyo ka, Yosemite!" Instead of being affected by my words, he chukled. Malakas at tuloy-tuloy ang tawang 'yon. "That baby deserves to be killed; ako lang ang karapatan na maging ama ng anak mo. I would never allow you to have a kid with that bastard." Tumulo ang luha ko nang haplusin niya ang pisngi ko at ilapit ang mukha sa akin. My whole body was shaking in fear when I felt his tongue lick my face. Nakakadiri. Nakakasuka. "I love you so much, Amaia," he whispered, and I just cried as I called Colton on my mind and screamed for help.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD