Episode Six

1595 Words
Nagising ako nang tila ba may bumubulong sa akin na gumising na. Nagpalinga-linga ako sa aking paligid, kama ko ito pero paano akong nakarating dito? Ang huli kong naaalala ay– Nanlaki ang mga mata ko bigla. Naa-alala ko lahat! Dali dali akong bumaba at hinanap si Celestina. "Oh gising ka na? Tamang tama nakaluto na ako" napalingon ako sa nagsalita. Naka suot sya ng apron at nakapuyod paitaas ang buhok nya. Cute! Wait hindi. Maayos, tama maayos s’yang tignan yun yon. Nilapag nito ang dalang itlog na nilaga. "A-ayos ka lang ba?" tanong ko. Aywan ko ba kung bakit naitanong ko iyon. Ngumiti sya. "Oo nmn ako pa ba? Nakalimutan mo na ba? Mahigit apat na daang taon akong nakabilanggo, kinaya ko, " aniya at umupo na sa silyang nasa aking harapan. Naupo na rin ako’t kinilatis siya nang maigi, para bang walang nangyari sa kaniya batay sa hitsura niya ngayon. Hinayaan kong ilatag niya ang pinggan at kubyertos sa aking harapan. Sa mga kilos niya’y tila siya isang normal na taong katulad ko. Alam niya kung papaanong makibagay sa mundo ko, o baka madali lang talagang ma-adapt ang lahat kaya ganito siya ngayon. “Nga pala, matapos kong mawalan ng malay papaano tayong nakauwi?” “Dumating ang isa kong kaibigan at tinulungan niya ako,” sabi nito sa akin habang nilalagyan ng piniritong bacon ang aking pinggan. “Kaibigan?” “Hmm. Si Patricio.” Tumango-tango ako sa mga sinabi niya. “Nasa’an na siya ngayon?” “Kailangan niyang umuwi, ngunit babalik naman siya at gusto ka rin niyang makausap.” “Huh? At bakit naman?” Medyo kinakabahan ako sa sinabi niyang ‘yon, matapos kong masaksihan ang nangyari sa parking area ay para bang natakot na akong mamatay. Ayaw kong makita sila sa mga huling sandali ko dahil imbes na magkaroon ng matiwasay na paglisan ay mukhang mai-stress pa ata ako. “Nga pala, busy ka ba mamaya?” tanong sa akin ni Celestina habang isinusubo ko ang isang kutsarang kanin sa aking bibig. “H-hindi naman.” “Mabuti. Lumabas tayo mamaya, may kailangan akong ipakita sa ‘yo.” “Lumabas? Wow! Inaaya mo ba akong magdate?” nakangiti kong tanong rito. Hindi ko naman alam na gano’n siya naga-gwapuhan sa akin. Ilang araw pa lang kaming nagkakasama. “Date?” “Oo, ‘yong tayong dalawa . . . lalaki at babae magkasama na lalabas, kakain–” “Ah, date pala ang ibig sabihin no’n, sige mag date tayo. Mamaya pag tuluyan nang kumagat ang dilim. … Andito ako ngayon sa isang abandonadong building malayo sa presensya ng maraming tao. Nakatanggap ako ng mensahe kay Celestina–ang dating kapitan ng barko na aking pinaglilingkuran. Ang ibig sabihin daang taon na din akong nabubuhay. Parehas kami ng naging kapalaran ng amo ko. Dahil sa pagsunod ko sa kanya ay nadamay ako. Ibinilanggo nila ako sa isang kweba, ang pinagkaiba lang namin ay maswerte ako dahil tatlong daang taon palang ang nakalipas noon ay may nakatuklas sa akin kung kaya't nakalaya ako. Nagpapalit palit ako ng identity sa mga nagdaang taon. Ngunit hindi ako nakatakas sa mata ng mga taga-sundo, lagi silang nakasunod at nakamasid sa akin. Inaabangan kung kailan ako bigla nalang na maglalaho na parang bula. Tinawagan nga pala ako ni Celestina para humingi ng pabor. At iyon ay ang tulungan syang mapaamo ang isang tupa. Gaya ng dati sadyang tuso talaga sya. Isang sasakyan ang nakita kong dumating at iniluwa niyon si Celestina kasama ang lalaking akay namin kanina. Mariin akong yumukod tanda ng paggalang ko sa aking kapitan. Personal niya akong ipinakilala sa lalaking tinatawag niyang Aion at gayundin ako sa lalaki. Binigyan ko rin ito ng paggalang dahilkung hindi dahil sa kaniya ay baka hindi nagkaroon ng pagkakataon ang aking kapitan na muling magising. "Medyo natagalan kami nakakalito kasi ang pagsunod sa dereksyon mo," sabi nya. "Ayos lang po. Hindi pa naman oras" sagot ko. Kita ko ang pagkunot ng noo ng lalaki sabay tingin sa oras panigurado ay nagtataka sya. "Bat tayo nandito?" tanong ng lalaki “Akala ko bang magd-date tayo?” pabulong lang ang pagkakasabi niyon ng lalaki ngunit hindi pa rin nakaligtas sa aking tainga. “‘Wag ka na munang magulo, okay? Nga pala si Patricio ang gagabay sayo" sabi pa ni Celestina. "For what?" "Ipapaliwanag ko sayo mamaya kapag nakita mo na," sagot ko naman sa kaniya. Ang agenda ng gagawin naming ito ay upang mas makuha ang loob ng lalaki. Kung kailangan na takutin namin siya’y gagawin namin para mas maging bukas din ang isipan nito tungkol sa mga bagay patungkol sa amin. Hindi na rin naman siya makakaiwas. Ito na ang tadhana na nakatagala sa kaniya. Pumasok kami sa building at umakyat sa rooftop. Malapit nang sumapit ang takdang oras. "Kanina pa ako nagtatanong kung anong gagawin natin dito pero ayaw nyong sumagot. Yung totoo may–" hindi na natapos ng lalaki ang sinasabi. Napatigil kasi ito habang nakatingin kay Celestina. Natayo ito sa medyo kalayuan sa amin habang tila ay nababalian ng mga buto. Titig na titig ang lalaki kay Celestina. "B-brad, anong nangyayari sa kanya?" Hindi ako sumagot. "Aahh.. " napasigaw ito ng may lumabas na buntot kay Celestina. Kasunod ay ang mga taingang matutulis hanggang sa unti-unting naglitawan ang balahibo at kuko nito. Paupong natumba ang lalaki dinig ko ang bilis ng pintig ng puso nya. Ang mala anghel na mukha ni Celestina ay napalitan ng isang nakakatakot at mabangis na nilalang. Tama! Naaalala ko ang lahat napakatagal na panahon na iyon ngunit tila sariwa pa din sa aking isipan . . . … "Hindi katanggap tanggap ang mga pinaggagawa mo Celestina. Isa ka ng alagad ng diablo!" dumadagundong ang boses ng taga hatol galing ng kaitaasan. "Ginawa ko iyon dahil yun ang gusto nila. Nagbabayad sila para sa buhay ng iba. Hiniling nila iyon!" sigaw na sagot ni Celestina habang nakatali ang mga kamay at nakakulong sa isang selda na may orasyon para sa katulad namin lamang na kahit ano’ng gawin niya’y hindi siya basta-basta makakatakas. “Isa kang tuso! Lapastangan ka sa tuntunin ng sanlibutan . Kailangan mong pagbayaran ang mga buhay na kinuha mo. Ginamit mo sa kasamaan ang kapangyarihan na nakuha mo Celestna," saad pa ng taga hatol. Apat kami na nasa kakaibang lugar na iyon. Malawak ngunit walang ibang tao maliban sa aming apat, taga hatol, si Haring Amadeyus at mga tagabantay na tila kawal ang itsura. Ang alam ko hindi naman kami kaluluwa kagaya ng dalawa pa naming kasama ngayon. Pero nandito kami at tumatanggap ng kaparusahan . "Pakawalan nyo ako dito." Pilit na kinalampag ni Celestina ang Selda kung nasaan kami ngayon. "Hindi kana makakatakas pa Celestina kahit na ang swerte na meron ka ay hindi mo magagamit dito. Wala ka nang silbi ngayon,"para bang siguradong-sigurado ang taga hato sa kaniyang mga sinasabl. "Pakawalan nyo ako dito kailangan ko pang mapatay ang taksil na iyon." Si Celestina. Kita ko ang pagnanais nya na makawala ngunit huli na para doon. Naiintindihan ko ang kaniyang pinaglalaban, lahat naman ay ginawa niya para sa lalaking kaniyang minahal. Ngunit sa kabila no’n ay kataksilan lang ang isusukli sa kaniya nito. "Wala ka nang magagawa dahil simula sa araw na ito, mahimbing kang makakatulog kasama ang alipores mo. Limang daang taong pagkakahimbing kapalit ng mga buhay na kinuha nyo at sa pagsapit ng huling araw maglalaho kayo na parang bula. . . Maglalaho? Biglang nagtagis ang aking kalooban. Ang ibig ba nyang sabihin ay… “. . . Walang makakaalala na kayo ay minsan tumuntong sa mundong ito. Walang reinkarnasyon na magaganap." Iyon ang huling sinabi ng taga-hatol. Ang lahat na sinasambit nito ay nakasulat sa isang talaan na kung saan ay dumaan muna kay Haring Amadeyus. Siya ang nagpapataw ng lahat ng sintensya sa lahat ng pagliitis na nangyayari sa kabilang-buhay. Napakapit ako sa rehas dahil sa munting pagyanig ng lupa, lumalakas ito ng lumallakas. "Hindi ako papayag! " sigaw ni Celestina dahilan para mapalingon ako sa kaniya. May sugat na ang kanang braso nya’t dumadanag ang kaniyang dugo roon. "Babalik ako, hindi ako aalis nang hindi napapagbayad ang may sala sa akin, kayong lahat ay magbabayad." Punong-puno ng galit ang bawat kataga na salitang kaniyang binitawan. Kasabay ng pagyanig ay sumama na din ang malakas na hangin na mukhang magiging ipo-ipo kalaunan. "Ang dugong ito... At ang mga kaluluwang hawak ko ang magsisilbing tanda na may susi na dadating para pakawalan ako. Babalikan ko kayo. Uubusin ko kayo sa ginawa nyo sa akin!” Nagimbal ako sa sinabi ni Celestina. Napakalaki ng sama ng loob nya sa mundo. "Kung mangyari man ang iyong inaasam sisiguraduhin ng kalangitan na hindi magiging madali sa iyo ang lahat." At ano ang ibig sabihin ng taga hatol? "Mahihirapan ka na tuparin ang iyong adhikain sapagkat ang isang parte mo ay magiging isang halimaw na walang ibang nais kundi ang kumain ng laman. Mawawala ka sa sarili mo at makakalimutan ang lahat . At sa oras na laman ng isang tao ang matikman mo ang lahat ay matatapos na. Mabubura kana sa kasaysayan," ani ng taga-hatol. Kasunod no’n ay biglang dating ng kidlat at kulog sa amin. Tinamaan ang dalawang bilanggo na kasabay namin. Parehas silang nasunog at nilipad ang kanilang mga abo. At ilang sandali pa isang hampas ng alon ang tumama sa amin ni Celestina. Tinangay ang selda namin ng mga alon na iyon. Hindi ko na sya makita nagkalayo kami ng landas ng aking amo. Di kalaunan Unti unti nang pumipikit ang aking mga mata. Oras na!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD