CHAPTER 12

2125 Words

ALA UNA na ng umaga pero hindi makatulog si Elyse. Ginugulo siya ng nangyari kay Cliff. Her mind kept thinking of the possibilities that might have happened. Naputol ang malalim nap ag-iisip ni Elyse nang marinig ang paglakad ni Greta sa may kusina. Mukhang hindi rin nakatulog ang babae. Wala siyang nagawa nang humiga ito sa tabi ni Cliff kanina. Sino ba siya para tutulan ang ginawa nito? “Gising ka pa rin?” Ang talas naman ng babae at napansin nitong hindi pala siya tulog. Akala niya sapat na ang dilim ng bahaging iyon ng bahay para hindi siya makita nito. “Hindi ako makatulog,” sagot niya saka umupo nang maayos. She has to sit up if she wants to see how Cliff is doing. Nakita niya itong mahimbing nang natutulog. “Alam mo ba kung anong nangyari sa kanya?” tanong ni Greta. Nagtitimpl

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD