“KUMAIN ka. HINDI kita dinala dito para patayin agad.” Nanigas si Elyse habang nakatayo sa harap niya ang taong kumidnap sa kanya. Simula noong ikinulong siya ng mga ito sa isang kwarto ng isang abandonadong building ay hindi pa siya kumakain. Sa tingin niya ay naroon na siya sa loob ng limang oras. Siguro nga ay ayaw nitong mamatay siya dahil ito mismo ang kumausap sa kanya. Tiningnan niya ang lalaki. Ito nga si Rojas. Naalala na niya ito. Isa ito sa mga taong madalas kausap ng kanyang ama. Tumanda ito nang bahagya pero hindi siya pwedeng magkamali. Isa ito sa mga taong nakita niyang kausap ng kanyang ama noong gabing may lumusob sa kanilang mansyon. “Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin?” asik niya sa lalaki. “Tul

