Pabigla ang ginawang pagmulat ni Helena sa kanyang mga mata. Napakunot-noo siya nang makitang nasa loob siya ng isang kuwarto. Kung ang pagbabasehan niya na hitsura ng kuwarto at amoy ng hangin na kanyang nalalanghap ay masasabi niyang nasa loob siya ng isang ospital. Inilibot niya ang kanyang mga mata. Nakita niya ang kanyang kapatid na si Jessie na natutulog na nakasandig sa dinding ng kuwartong kinaroroonan niya at nakapikit ang mga mata. Napakunot naman ang noo niya nang makitang may lalaking nakayuko ang ulo at natutulog sa gilid ng kinahihigaan niyang kama habang nakahawak sa isa niyang kamay ang kamay nito. Sino naman ang lalaking ito? At bakit ako nasa loob ng ospital? naguguluhang tanong niya sa kanyang isip. Biglang pumasok sa kanyang isip na nabundol nga pala siya ng isang sa

