CHAPTER 18: GIAN

1112 Words

“Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? O, sadyang bingi ka lang o tanga?” kahit nakakaramdam ako ng bahagyang hilo. Hindi ko iyon binigyan pansin, tumingin ako kay Geoffrey dahil sa mga sinasambit nitong mga hindi ayos na salita, “ano, pre? Aalisin mo ba ‘yang pagkakahawak ng kamay mo sa nobyo ko o ikaw ang aalisin ko riyan?” Naramdaman ko ang malalim na paghinga ni Gabriel bago nito inalis ang kaniyang pagkakahawak sa akin, “Ano bang problema mo? Alam ko na ikaw ang nobyo ni Gian. Pero, hindi mo ba nakikita ang kalagayan niya ngayon? Ito pa talaga ang uunahin mo? Seryoso ka talaga?” sunod-sunod na pagsasalita ni Gabriel kay Geoffrey. Nakita ko namang tumango-tango si Geoffrey habang nagsasalita sa kaniya si Gabriel. “Oo, seryoso ako roon,” matigas na pagsagot ni Geo sa kaniya, “halika na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD