S’ya ang unang lalaking minahal ko ng sobra, ‘yong lalaking masasabi kong, para sa akin talaga. Hindi ko inaasahan na mahuhulog ng husto ang loob ko kay Vincent. Masaya na ako sa kung ano ang mayroon kami ngayon. Dahil tulad niya, hindi pa rin ako handa na ipagtapat sa aking magulang ang tungkol sa aming relasyon. Sa halos apat na buwan naming magkakilala, masasabi kong, tuluyan ng nahulog ang damdamin ko kay Vincent. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa tulad niya? Mabait, maasikaso, palatawa at laging inuuna ang kapakanan ko. Sa simpleng bagay na iyon na mayroon si Vincent, parang asawa na ang turing ko sa kaniya dahil sa pag-aalaga na ginagawa n’ya sa akin. “Mukhang malalim ata ang iniiisip ng mahal ko, ah? Ano ba ‘yan?” Napatingin naman ako kay Vincent ng bigla itong nagsalita.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


