Dahil sa malakas na pagsigaw na ginawa ng nanay ni Geoffrey sa akin. Naging dahilan iyon upang makuha namin ang atensyon ng lahat ng taong naririto sa loob ng Gotohan ni Gabriel. Hindi rin nakaligtas sa akin ang mapanghusgang tingin ng dalawang babae na kasa-kasama niya. Hindi ko na nagawang makagalaw pa dahil sa sobrang kahihiyan na aking nararamdaman sa mga sandaling ito. Pakiramdam ko ay napakalaking kasalanan ang aking nagawa na mahalin ko ang kaniyang anak. Napayuko na lamang ako sa kanilang harapan. Maya-maya pa ay naramdaman kong tumayo si Nanay Glenda at bahagyang lumapit sa akin. At sa ikalawang pagkakataon, ay muli ko siyang narinig na nagsalita sa akin. “Gian, hindi kita kayang tanggapin bilang manugang ko. At kahit kailan, ayokong magkaroon ng dugo ang aking pamilya at mahaw

