Kabanata 1

2051 Words
3 years later -- LUMINA  “Walang Forever! Maghihiwalay rin kayo! Mamamatay lang din tayong lahat!” sigaw ko na hindi man lang pinapansin ang paligid, ni wala akong pakialam kung may makarinig ba sa akin. Kasalukuyan akong nasa isang abandonadong parke may ‘di kalayuan sa bahay na inuupahan ko. Malakas ang pagbuhos ng ulan, tila nakikiiyak din ang langit. Marahil ay dama rin nito ang sakit na nararamdaman ko. “Pakyu ka Edward! Mas maganda pa ako diyan sa bago mo! What the f**k! Love is blind!” sigaw ko pa. Basang-basa na ako pero ‘di ko iyon pinagtuonan ng pansin. Brokenhearted ako at wala akong pakialam kung may makakita man sa akin at mag-aakalang nababaliw na ako. My only concern is the excruciating pain inside my chest that I wanted to eradicate. “Potek talaga...” Kasabay ng pagbuhos ng ulan ang paghagulhol ko. “Ano ba ‘yan! Ang ingay naman!” Agad akong natigil sa pag iyak at napalingon sa likuran ko, at doon ko nakita ang lalakeng nakahalukipkip sa tabi ng puno malapit sa kinatatayuan ko. Madilim sa parteng ito dahil na rin abandonado nga ang parkeng ito. Kaya gano’n na lang ang gulat ko nang makakita ng lalake rito. Hindi kaya minumulto na ako dahil sa ingay ko? “Iniwan ka no?” tanong niya pero imbis na sagutin ang katanungan niya ay tinalikuran ko siya saka ako nagtungo sa medyo sira ng waiting shed saka doon sumilong. Natawa ako nang iniangat ko ang paningin ko upang tingnan ang bubong ng sinisilungan ko. Sumilong pa ako, e, butas-butas pa rin naman ang bubong. Sandaling katahimikan ang bumalot sa paligid at tanging pagbuhos lang ng ulan ang aking naririnig. Napayuko ako saka niyakap ang sarili. Ramdam ko na ang ginaw na dulot ng malakas na pag ulan. Napansin ko ang pagtabi sa akin ng lalake, pero hindi ako nag angat ng tingin at umusog pa sa gilid ko papalayo sa kanya. Baka holdaper ‘to? Rapist? Omg! Baka bukas magulat na lang ang pamilya ko na headline na ako. Jusko! Kailangan kong mag isip ng paraan kung paano makakatakas sa lalakeng ito. “Lagi kitang nakikita dito, ah?” Eh? Baka stalker ko siya? Naku po! Baka nga tama ang hinala kong may masamang motibo siya sa akin! Naku naman kasi, Lumina! Maglalabas ka na nga lang ng sama ng loob, e, dito pa. Mas lalong humigpit ang yakap ko sa sarili ko. “Kuya! Huwag po! Marami pa po akong pangarap, maawa po kayo!” Rinig ko ang biglaang paghalakhak niya dahilan upang mapaangat ang tingin ko sa kanya. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makita kung gaano ka gwapo ang lalakeng kasama ko. “Ano bang iniisip mo? Hindi ako masamang tao.” Lumingon siya sa akin at mas lalo kong nakita ang manipis niyang labi, matangos niyang ilong, makapal na kilay pero napakaamong mukha. “Sorry po.” Muli akong napayuko. Natawa siyang muli. Pagkaraan ng ilang sandali ay napabuga siya ng hangin. “You know what, nakaka relate ako sa ‘yo. I also had someone who left me. I’ve done everything just to make her stay, pero wala. Kapag ang isang tao desidido talagang umalis sa buhay mo, ay talagang aalis siya, lumuhod ka man at magmakaawa.” Ramdam ko ang sakit sa boses niya. Ganoong-ganoon din ang ginawa sa akin ni Edward. Iniwan ako, ipinagpalit sa iba dahil hindi na siya masaya sa akin. “Nanligaw ako sa kanya ng almost two years, and just a few months ago, sinagot niya ako. But I found out na may boyfriend siya. And f**k! Four years na sila. Nakakagago ‘di ba? Pinaasa niya lang ako, Penerahan niya lang ako! I even sell my precious lamborghini para ibili siya ng condo worth million, My parents almost killed me noong nalaman nilang inubos ni Cheska ang laman ng bank account ko. She's a gold digger.” Napakagat ako sa labi ko. Hindi ko malaman ang dahilan kung bakit niya sinasabi ito sa akin. “At bakit mo naman sinasabi sa akin ang mga bagay na 'yan? E hindi nga tayo close, ni hindi ko nga alam ang kahit pangalan mo,” tanong ko sa kanya. He shrugged. “Because I assumed na maiintindihan mo rin ako?” patanong niya pang tugon. “Minsan kasi, mas okay pang mag kwento sa estranghero, kaysa sa mga kaibigan mong plastic naman sayo.” Mabilis kong naiangat ang aking paningin, ang lalim ng hugot ni kuya. Mataman ko itong tinitigan. Kapansin-pansin ang kagwapohang taglay niya. Kahit na nagmamalaki ang eyebags niya na napaghahalataang puyat, kahit na sobrang gulo ng kulot niyang buhok. All in all gwapo siya. Nice! I'm all alone in the rain with a f*****g handsome stranger. Nagtanggal ako ng bara sa lalamunan. Tumingala ako saka marahan na bumuga ng hangin. “Na in-love ako sa unang pagkakataon...” Panimula ko sa aking kwento. Sa pinakaunang pagkakataon sa buong buhay ko ay magke-kwento ako. Maglalabas ako ng saloobin. Ako kasi ‘yong tipo ng tao na kahit sobrang nahihirapan na’y kinikimkim pa rin ang lahat, maging ang sakit. Humugot akong muli ng hangin bago nagpatuloy. “Siguro sa maling panahon, o sadyang mali lang ‘yong taong napili ng puso ko. Nasa dalawa lang ‘yon. Sabi niya sakin noon mahal na mahal niya ako, pero iniwan niya pa rin ako, e. Tatlong taon na ang lumipas pero nandito pa rin ako. Umaasa na, baka bumalik siya.” Ngumiti ako nang naalala ko ang mga panahong kapiling ko pa si Edward. Nakakapait lang isipin na hanggang ala-ala na lang ang lahat ng 'yon ngayon. “Kampanteng-kampante akong ‘di niya ako iiwan, dahil sabi niya at pinaparamdam niya sa akin na mahal na mahal niya ako, at hindi niya ako susukuan, pero putchaks! Nagising na lang ako isang araw na wala na siya sa tabi ko, na iniwan na niya ako. Ang hirap lang tanggapin. Sa kan'ya ako humuhugot ng lakas. Siya 'yong sandalan ko. Kaya no'ng iniwan niya ako, nalugmok ako. Lugmok na lugmok. Nahirapan akong bumangon." Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pag ngisi niya at biglaang pag tingin sa akin. Malakas pa rin ang pagbuhos ng ulan na tila wala na itong balak tumigil. “Hindi ka niya mahal,” walang pagdadalawang isip na sabi niya sa akin. Ni hindi man lang nilagyan ng filter. Kinunot ko ang aking noo nang napagtanto ang sinabi niya. Hindi nga ba ako mahal ni Edward? Siguro naman kahit konti minahal niya ako ‘di ba? Hindi ko yata matatanggap kung ang katotohanan ay pinaglaruan lang niya ang damdamin ko. “Minahal niya ako,” sambit ko sa mababang tono. Hindi ko alam kung para kanino ba ang sinasabi ko. Kung para ba dito sa estranghero na katabi ko o para sa sarili ko. Pakiwari ko’y para sa sarili ko ang mga salitang iyon, para paniwalain ang sarili ko na minahal nga ako ni Edward. “Iniwan ka nga ‘di ba?” muling sambit niya. Ramdam ko ulit ang pamumuo ng mga butil ng luha sa aking mga mata. And then realization hits me. Masakit! "Siguro nawala lang 'yong pagmamahal niya sa akin, pero minahal niya ako.” Napaismid siya sa tinuran ko. “Stop defending him. Move-on! Hindi lang siguro talaga kayo para sa isa't-isa. Alam mo naman ang katotohanan e, ayaw mo lang tanggapin.” Napayuko ako. “Mahirap mag move-on. Siguro naman alam mo kung gaano kahirap. Kasi nasa parehong sitwasyon tayo." Lumingon ako sa kanya at doon nakita ang unti-unti niyang pagtango sa akin saka niya ako tuluyang hinarap. “Miss, just a piece of advice. Nasa sa ‘yo kung tatanggapin mo. Don’t let your past ruin your present, especially your future.” Muli akong napayuko. “Okay lang naman umiyak dahil nasaktan ka, pero wag mong gawing habit. I’ve seen you crying many times, same time, same place, and I pity you for that. Like seriously? Mag move-on ka na! Stop holding grudges. Let go of your past. Let go of him. Love yourself.” At bago pa man mag sink-in sa utak ko ang lahat ng sinabi niya ay wala na siya sa kaninang pwesto niya. Nahugot ko ang sariling hininga. Tama siya, para ko na ngang ginawang habit ang pag iyak. Bahagya kong iniangat ang palad ko upang saluhin ang iilang patak ng ulan. Pinagmamasdan ko iyon nang biglang may makapal na telang lumapat sa likuran ko. Lumingon ako’t nakitang muli ang lalake. Bakit bigla-bigla na lang siyang sumusulpot? Hindi kaya multo talaga siya? “Uh... salamat,” mahinang sabi ko. “Tumila na ang ulan. You better get going, baka may kung sino pang masamang taong makakita sa ‘yo dito.” Omg! Concern ba siya sa akin? “Lagi naman ako dito, at ngayon lang ako nakakita ng tao. At ikaw ‘yon.” Agad kong narinig ang mahinang tawa niya. “Just please listen to me. I was watching you the whole time you were here.” Napaatras ako. Ibig sabihin lagi siyang nandito sa tuwing nandito ako? Habang tumatagal na nakakausap ko siya. Pa-creepy na ng pa-creepy. Mabilis akong tumango sa kanya. “O-oo... ‘yong jacket mo pala.” Hinubad ko ‘yong jacket niya na ipinatong niya sa balikat ko saka ko iyon iniabot sa kanya. “No, you can keep it. Baka ginawin ka sa paglalakad mo pauwi.” “Naku! Hindi na, okay lang ako.” “Matigas din talaga ang ulo mo no?” Napamaang ako sa kanya. “Umuwi ka na, o baka gusto mo ihatid pa kita?” Agad akong umiling. “H-hindi na.” Unti-unti naman siyang ngumiti. Nagdadalawang isip man ay marahan na akong tumalikod sa kanya. “Ingat ka,” rinig kong pahabol niyang sabi. Hindi ko na siya nilingon at kinawayan ko na lamang siya habang nakatalikod ako saka ko binilisan ang lakad ko para makauwi na sa bahay. “O? Saan ka galing?” Agad na pambungad sa akin ni Mel nang buksan ko ang pinto. Siya ang kasama ko sa bahay na inuupahan ko. “Sa labas.” “Grabe ka naman, Mina. Hindi mo man lang naisipang sumilong.” Ngumuso na lamang ako saka nag diretso sa kusina upang kumuha ng tubig. Ramdam ko naman ang agad na pagsunod sa akin ni Mel. Habang umiinom ng tubig ay pinagmamasdan ko si Mel na pabalik-balik ng lakad sa harapan ko habang panay ang pag s-scroll sa cellphone niya. “What’s up?” tanong ko. “Hinahanap ko kasi ‘yong text na natanggap ko kanina.” Agad akong napaahon mula sa pagkaka-sandal sa sink nang mapagtanto kong cellphone ko ‘yong hawak niya. Mabilis ko ‘yong hinablot mula sa kanya. “Lumina!” reklamo niya. “Bakit mo na naman pinapakialaman ang cellphone ko?” kunot-noong tanong ko sa kanya. Napabuga siya ng hangin. “Kasi naman po, may tumawag kanina kaya sinagot ko.” “Oh? Sino namang tumawag?” kinakabahan na tanong ko. Baka kasi sina mama ‘yong tumawag at nakausap ni Melissa. Nagkibit-balikat siya. “Nakalimutan ko, DB yata ‘yon? Ano nga ba ‘yon?” aniya habang nag-iisip. Anong DB sinasabi nito? E, wala naman akong kilalang DB. “Basta! Publishing house ‘yon na in-applyan mo raw.” Umawang ang bibig ko kasabay ng pamimilog ng aking mga mata. This can’t be... “Ano raw sabi?” “Tanggap ka raw, magsisimula ka raw bukas.” Mas lalong namilog ang mga mata ko na halos lumuwa na ang eyeballs ko. “Omg!” tili ko. “Mel! Natanggap ako! May trabaho na ako!” masayang sabi ko kay Mel na nagawa ko pang tumalon-talon dahil sa saya. Lumiwanag din naman ang mukha niya saka malaki ang ngiti sa akin. “Finally, Mina! May ambag ka na rin dito sa bahay!” halakhak niya. Nawala ang ngiti sa labi ko saka ako napanguso. Hay naku! Panira talaga ng moment ‘tong best friend ko. Pero hayaan na! Ang importante may trabaho na ako. At hindi lang basta-bastang trabaho. Magta-trabaho ako sa Publishing House na pinapangarap ko. -- Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD