"What's with the cat fight, Lumina?" Hindi ako sumagot. Alam ko sa sarili kong walang patutunguhan kung magsusumbong man ako kay Dwayne. "Bakit hindi ka makasagot?" "Away babae 'yon, Dwayne." Napabuga siya ng hangin at mariing pumikit. Umiigting ang kan'yang panga nang tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kan'yang swivel chair. Naglakad siya palapit sa akin at agad niyang pinaglandas ang kan'yang hintuturo sa kaliwang cheekbone ko. "She made a scratch. She should be punish right?" Hinawakan ko ang kamay niya. Ibinaba ko 'yon at agad na umiling. "Hindi na kailangan, Dwayne." Tumango siya pero naroroon pa rin ang tingin sa cheekbone kong nadaplisan ng kuko ni Sandy. "Galos lang naman 'yan. Malayo sa esophagus," ngiti ko. "Tss!" Bumalik siya sa upuan niya at inabala ang sarili sa pags

