Pula at hanggang tuhod na bodycon dress na may mahabang slit ang pinili ni Dwayne na suotin ko. Hindi ko naintindihan kanina kung bakit itong damit na 'to ang nais niyang isuot ko, gayong sobrang sexy nito. Pero nang nakasakay na kami sa kotse niya ay mukhang nahuhulaan ko na kung bakit. Panay ang paggapang ng kan'yang kamay sa binti ko. Paulit-ulit niya 'yong hinahaplos habang nagda-drive siya. "Dwayne!" saway ko sa kan'ya. "Yes?" tugon niya pero nasa daan pa rin ang tingin. "Iyong kamay mo." "Why? Anong problema sa kamay ko?" Hinawakan ko ang kamay niya at inilagay iyon sa steering wheel. "Ayusin mo ang pagda-drive mo." Pinagtawanan niya lang ang ginawa ko. Ibinalik ko ang kamay ko sa kandungan ko pero inabot niya 'yon, at pinagsalikop niya ang mga kamay naming dalawa, bago niya

