"Lina? Oi Lina gising! Maiiwan ka ng barko!" Pagmulat ko ng aking mga mata ay inis na mukha ni Christopher ang aking nakita. Kumurap-kurap pa ako at inayos ko ang benda ng aking kaliwang mata bago tumingin-tingin sa paligid. Kakaunti na lang ang tao sa port. Karamihan ay nakasakay na ng evacuation ship. May nag-aanounce na five minutes na lang before departure ng barko. "Ano pa ba ang tinitingin mo diyan Lina? It's time for you to board right? Hindi na safe ang Versalia. Terrorists will attack any moment now!" impatient na sabi ni Belle sa akin. Hindi ko siya masagot. Tiningnan ko ang aking mga kamay. Hindi sila kulubot. Hinawakan ko ang aking pisngi. Makinis at firm pa ang balat ko. Tumingin ako sa tubig dagat na katabi lang ng inuupuan kong bench at nakita ko na bata pa ako. Hindi a

