"Sorry Ma'am, puno na po!" sigaw ng naka backride na lalaki ng pinara kong sasakyan. Umiling ako at tumakbo papalapit sa hagdan sa likod ng malaking jeep na nabyahe mula Lucban papunta sa Lucena. Ma-aawardan na naman ako pag na-late na naman ako sa trabaho. Tinanggal ko ang suot kong step-in at pinagkasya sa mega-big shoulder bag ko na puno ng paraphernalia. Kumapit ako ng mahigpit at inakyat ko ang bubong ng jeep at umupo sa tabi ng mga tindera sa palangke ng Lucena na naka-top ride din. Hinampas ko ang bubong ng jeep at sumigaw, "Larga na manong driver!" May nakinig akong tawanan at umandar na ang sasakyan. Ang bilis ng patakbo pero this time, hindi ako nainis kundi natuwa pa nga. Maboboljak na naman ako ng superior ko pag nahuli na naman ako ng rampa. Nililipad ng malakas at malami

