Sa unang beses sa pagiging mag-asawa nila, umuwi si Kathleen sa kanilang bahay na hindi kasama si Max. May meeting pa kasi ang asawa niya at baka gabihin na ito sa pag-uwi. Kaagad naman siyang nagbihis ng pambahay at pagkatapos ay nagpapahangin siya sa terasa. Ngayon hindi na siya nasanay na mag-isa nalang sa malawak na condo unit. Kung naririyan kasi si Max pakiramdam niya walang dull moment sa pagitan nila. Hindi rin siya pinagbabawalan nito na pumunta sa dati niyang apartment, dahil baka raw napipilitan lang siyang tumira sa condo nito, at least daw anytime maari silang lumipat doon. Ito nalang daw ang mag adjust. At sa simpleng bagay na yan talagang na touch sa sinabi ng asawa. But most interesting of all, her personal treasures had found places here, places where they fit and meshed.

