Rizalyn . We're going to go diving and tried to catch some fish. Nakangiti ko siyang pinagmasdan habang inihanda ang dalawang oxygen tank. Ang totoo ay medyo takot ako sa dagat, pero gusto kong lumangoy kaya wala na rin akong choice. Nilipat niya ng puwesto ang yate namin sa bahagi na kung saan ay wala masyadong bato. Maganda raw ang lokasyon na ito, dahil maraming isda at hindi malalim ito. At totoo nga naman, dahil mula rito sa kinatatayuan ko, ay nakikita ko na ang batohan. "Come here, darl, let's wrap this around you." Hawak niya sa oxygen tank at tumalikod na ako para masuot ito. Naka-full diving suit na ako at ganoon din siya. Wala kaming plano sa ngayon, at heto ang naisipan namin sa mga sandaling ito. Bukas pa ang balik namin sa isla de Carmella. Pero kung ako ang tatanungin

