Rizalyn . "Ayusin mo nga! Nakakainis ka naman eh! Ayon tuloy nakawala ang isda!" Galit ang mga mata kong nakatitig sa kanya. Bahagya lang din siyang natawa habang nakahawak sa bakal na hawakan. He's behind me, in a cuddle position. Wala kaming magawa kaya bago maging awkward na naman ang lahat ay nag suhesyon ako na mamingwit ng isda. Wala akong alam pagdating sa ganito. Iyong stick na may tali at uod lang ang alam ko sa dulo. E, sa iyon lang naman ang nadatnan ko noong kabataan ko. Hindi iyong ganito! Iba na, may reeling rod at automatic pa. Kainis talaga! Ba't naman kasi puro automatic ang mga gamit niya rito sa loob ng yate. "I was just trying to help. I told you, that was a big fish," he explained with mischievousness. "Kaya nga nagpatulong ako 'di ba!? Ayon tuloy nakawala. Kain

