Rizalyn . "Huwag na huwag kang magsalita sa harap ng ama ko, okay? Ako na ang bahala. Tumahimik ka lang, okay? Get's mo? Kung maraming tanong si Mama tungkol sa 'yo tumahimik ka lang at ako na ang sasagot." Huminga ako nang malalim at pinikit sandali ang mga mata. At nang maimulat ko ito ay ang nakangising mukha ni Oscar na ang nakikita ko ngayon. Ngumiwi ako. Masyadong friendly ang mukong na ito. "At please lang huwag kang ngumiti masyado. Tipirin mo iyang ngiti mo. Hindi iyan free! Umayos ka kung ayaw mo na tuhugin kita!" Turo ng hintuturong daliri ko, at tumango lang din siya. Kanina pa siya tahimik at pati na ako. Humarap agad ako sa pinto ng elevator at konti na lang at magbubukas na ito. "Should I hold your hand?" Sabay hawak niya sa kamay ko. Baliw talaga. Ba't pa magpapaalam

