Rizalyn . Napatakip-bibig ako nang mabasa ang impormasyon niya. Tama nga naman ang inisip ko kahapon. Iba kasi magsalita at panay ang tingin niya kay Nestor. Kahit pa hindi nakatitig si Nestor sa kanya, ay wagas siya kung makatitig kay Nestor na parang hindi niya boss ito. I was just assuming, but I couldn't help myself. Gawain ko ang ugali niya noon sa isang lalaking gustong-gusto ko, kaya kilala ko na ang mga ugali ng babaeng ganito. And now reading her bio profile information gives me a clearer answer. . . She's Nestor's past, Myla Briones, his ex-girlfriend, his young sweetheart. "At ano naman ngayon kung young sweetheart niya si Myla, 'te? Past is past na, Ate! Dios ko namang bakla ka, 'te. Ang importante ay sa 'yong- sa 'yo na ang Nestor mo. Huwag kang mag-aalala. Hindi iyan bib

