"I need to go home." I said. Ngayon lang naalala na ilang oras na pala ang nagdaan. "Right..." He calmly said. His brooded eyes pierced through me as he watched me fixing my hair and dress. Hindi ko makuhang tagpuin ang titig niya pagkat nakakapaso iyon. Nag-spray ako ng pabango sa sarili na para bang sa ganoong paraan ay mawawala ang amoy at bakas ng mga ginawa namin kani-kanina lamang. Nakita kong kumunot ang kaniyang makapal na kilay nang pati ang loob ng kotse ay in-sprayhan ko din. "What?" "Nothing. I gotta go also." Hinawakan ko ang kaniyang braso upang pigilan pagkat may napansin akong papalabas ng restaurant. Mahirap na at baka may makakita pa sa kaniya na maaaring kilala ko o kilala niya. His arm is veiny and hard. Probably he's been working out. He's fit but not scarily bulky

