Ivelle Ruiz's Pov Of View
Suot ang red silk backless dress na ipinahiram saakin ni letheia ay pumasok ako sa loob ng bar kung saan nandoon ang lalaking pakakasalan ni letheia para mag celebrate ng kanyang bachelor's party, nag suot ako ng maskara para hindi ako makilala sana nga lang hindi ito matanggal.
pumunta ako sa bar counter at umorder ng isang pink lemonade cocktail, habang ginagawa ang order ko inilibot ko naman ang paningin ko upang hanapin ang lalaking tinutukoy ni letheia meron akong picture nya dahil ibinigay ito ni letheia saakin bago ako umalis ng condo nya, napabuntong hininga ako ng hindi ko mahanap ang lalaking yun mukhang pupuntahan ko pa isa isa ang bawat sulok ng bar na ito para lang mahanap ko sya.
Paharap na sana ako sa counter ng bar ng may mahagip ang mata ko isang lalaking nakatulala habang umiinom ng alak habang ang iba nyang kasama ay masayang nag iinuman habang may mga babaeng kasama, napataas naman ang kilay ko ng mapagtanto na sya ang lalaking hinahanap ko. nasa may side sila ng bar at medyo madilim din don kaya mahirap matanaw kapag nasa malayo.
Humarap ako sa counter ng bar at nakita ko na tapos na ang order ko, kaya naman ininom ko na ito habang nakatingin pa rin sa gawi ng lalaking yun. walang mababasang reaksyon sa mukha nito habang umiinom ng alak sa basong hawak nya, wala din syang pakialam sa mga kasama nya na masayang umiinom habang may mga kasamang babae, halata mo ding lasing na ang mga kasama nya.
"Kuya kilala mo ba ang mga lalaking yun?" Tanong ko sa lalaking bartender na nasa harap ko. tumingin naman sya sa tinuro ko at tumango.
"Sila sir Leone po ang may ari nitong bar tapos sir Andrew Kaibigan ni sir leone at yung lalaki naman po na nasa gilid ay si sir Azrael po ma'am." magalang na sagot saakin ng bartender. so Azrael pala ang Pangalan nya nakakapag taka naman bakit nasa gilid lang sya at hindi nakikipag saya sa dalawang kaibigan nya hindi kaya loyal sya kay Letheia? hindi kaya ang lalaking ito ang nag pumilit na ipakasal Silang dalawa ni letheia?
"May tanong pa po ba kayo Ma'am, tungkol sa kanila?" Nabalik ang tingin ko sa lalaking bartender ng mag salita ito ulit at tanongin ako kung may tanong pa ba ako sa tatlong lalaking yun.
Ahmm bakit hindi nakikipag saya si Azrael sa mga Kaibigan nya?" Nag tatakang tanong ko, napangiti naman ang bartender na nasa harap ko.
"Siguro bago kayo dito ma'am no? Lagi nandito sila Sir dyan talaga ang tambayan nila dahil ayaw nila ng masyadong atensyon kapag andito sila, at syaka kaya hindi nakikipag saya si Sir Azrael kanila Sir Leone at Sir Andrew, dahil nonchalant yan si Sir at kilala din bilang Ruthless Ceo" Paliwanag saakin ng bartender syaka umalis sa harap ko para pumuntahan ang bagong customer. napatango tango naman ang sa impormasyong nalaman ko tungkol sa kanya.
Napabuntong hininga ako bago tumayo sa stool sa bar counter at kinuha ang iniinom kung cocktail at nag lakad palapit sa kinaroroonan ni Azrael ang lalaking pakakasalan ni letheia sa susunod na araw.
"Hi handsome!" Nakakaakit kong sabi sa kanya at hinawakan ang balikat nito. tumingin naman ito saakin ng walang emosyon pero agad ding binawi. at uminom uli sa baso ng alak na hawak.
"Want to dance with me?" Lalo kong pinaakit ang boses ko habang tinatanong sya.
"What do you want women?"Tanong nito sa malamig na boses
"I'm just asking if you want to dance with me?" Deretsang sagot ko sa tanong nya. umiling naman ito at nag salin uli ng alak sa baso nya at inilapag sa table na nasa harap nya. bago tumingin saakin.
"I don't want to dance with you so get off" Matalim nitong sabi saakin. lihim naman akong napaigtad sa sinabi nito pero hindi ako titigil hanggang hindi ko sya naakit ayokong madisapoint saakin si Letheia.
"f you don't mind, may I sit beside you? You look a little sad while your friends are having fun. Is that okay?" Tanong ko sa kanya at kinakabahan ako habang hinihintay ang sagot nya, kaya naman napabuntong hininga ako ng tumango ito. kaya naman umupo na ako sa tabi nito.
Tahimik lang ako habang nakatingin sa mga kasama nya na lasing na lasing na at hindi na kaya pang tumayo.
"Don't look at them, you offered me this, so look only at me. Sabi nito saakin sa malamig na boses. kaya naman napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi nito. nag tama ang mata namin dahil nakatingin din pala ito saakin, nakaramdam ako ng pagbilis ng aking puso kaya naman agad akong umiwas.
Kinuha ko ang cocktail na nilapag ko sa table at deretso ininum yun, pakiramdam ko para akong nauhaw sa tingin nya bumilis ang t***k ng aking puso.naramdaman ko na lumapit ang mukha nya sa leeg ko.hindi ako gumalaw sa pwesto ko at pumikit na lang.
"umm you smell so good!" Malambing na sabi nya at inumpisahan na halikan ang leeg ko mas lalo akong napapikit sa ginawa nya at humigpit ang hawak ko sa baso na hawak ko.
naramdaman ko naman na tumigil sya sa ginagawa nya kaya naman nakahinga ako ng maluwang. pero nahigit ko ang hininga ko ng hatakin nya ang braso ko paharap syaka sinunggaban ng maalab na halik.
Kinagat nya ang labi ko kaya naman iginalaw ko na rin ito at pumikit upang damhin ang nag aalab nyang halik, napakapit naman ako sa batok nya upang mas lalong idiin ang labi nya sa aking labi.
Parehas kaming hinihingal ng matapos ang pinag saluhan naming halik, pero hindi pa ako nakakabawi ng hininga ng hatakin nya ako patayo at hinila palabas ng bar.
"Paano ang mga Kaibigan mo?" Tanong ko sa kanya.
"I don't f*****g care about them. They're old enough to go home by themselves!" Seryoso nitong sabi kaya naman napatango na lang ako at nag pahila sa kanya papunta sa sasakyan nya.
Isinakay Niya ang sa passenger seat ng kanyang Ferrari, bago umikot papunt sa driver seat at pinaandar ang sasakyan paalis sa bar na iyon, buti na lang at tama ako na mag taxi na lang papunta dito upang hindi ako mahirapan na balikan ang sasakyan ko.
hindi ako umiimik habang nag mamaneho sya, hindi ko din alam kung saan papunta ang sinasakyan namin ngayon na dalawa.Napatingin ako sa paligid ng ipark nya ang sasakyan sa harap ng hotel, bumaba sya sa driver seat at umikot para pagbuksan ako ng pinto ng sasakyan. at hinila ako papasok sa hotel. nag check in sya sa information area at hinatak ako papunta sa elevator. hindi ako umangal kahit na alam ko na ang mangyayari para akong namamagnet sa kamay nya na nakahawak sa mga braso ko.
pag dating namin sa loob ng kwarto ng hotel, agad nya akong hinalikan, idiniin nya ang mga labi nya sa labi ko kaya naman napaungol ako at sumabay na din sa mga labi nya, binuhat nya ako at inilapag sa kama, habang ang mga labi namin ay wala pa din tigil dahil sa maalab naming halikan.
Tumigil kami sa aming halikan at hinihingal na tinignan ang isa't isa muntik na akong mawalan ng hinga dahil sa halik na aming pinag saluhan. Habang nakatingin sya sya saakin akma nyang tatanggalin ang suot kong maskara ng pigilan ko itong gawin iyon.