Azrael Takeshi's Point Of View Huminto kami sa tapat ng aking tinutuluyan isa sa mga VIP room dito sa Resort, habang binubuksan ko ang pinto napatingin naman ako sa kanya dahil palipat lipat ang tingin nito sa katapat na kwarto. Kunot noo ko naman syang tinanong kung anong ginagawa nya. "Bakit palipat lipat ang tingin mo sa kwarto ko at sa katapat na kwarto?" Taka Pero seryosong tanong ko sa kanya. Tumingin naman sya saakin at umiling bago sumagot. "Kasi ang kwarto na yan ay ang kwartong tinutuluyan ko." Naiiling na sagot nito saakin. Kaya naman napatingin na rin ako sa kwarto na tinutukoy nya Room 069 at ang saakin ay Room 070 all this time mag katapat lang kami ng tinutuluyan. Napailing na lang ako at hinila na sya papasok sa loob. "Grabe ang luwang naman ng tinutuluyan mo?" Manghan

