Chapter 2
"Oh? Anong ginagawa ninyo rito? Oras ng trabaho nandito kayo?" kunot noo tanong ni Glenda.
Nagtataka si Glenda kung bakit bigla-bigla na lang pumunta sila Rafael at Benjamin dito sa opisina nila. Lalo rin siya nagtataka kung bakit hinahanap ng dalawa si guwapong binatang si Elliott?
Napakunot noo lalo si Glenda ng sabihin sa kanila ni Rafael na top trending na naman daw ang guwapong binatang si Elliott sa kumpanya. Dahil na rin daw sa nangyari kagabi sa dinner meeting nila kasama si Mr. Armie Gutierrez at kasama ang pamilya nito.
Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni Glenda dahil hindi na siya nagtaka kung bakit nalaman na naman ng lahat ng mga empleyado ng kumpanya ang nangyari kagabi sa dinner.
"Alam ko na ang babaeng ahas na naman ang nagpakalat iyan no?" ngising sabi ni Rica.
Kagabi ay hindi inaasahan ni Rica pati na rin si Glenda na kasama pala ang babaeng ahas sa top floor na si Ashley kagabi. Ang akala niya ay sila lang nila Elliot at Miss Glenda ang imbitado sa dinner kagabi.
Naiinis si Rica kay Ashley kagabi dahil kung makapagsuot ito ng isang sexy red dress ay akala mo ay kung sinong mayaman ito? Sobrang luwang-luwa na ang dibdib nito sa suot nitong red dress. Para bang pinaghandaan ni Ashley ang dinner kagabi? Aaminin niya sa kanyang sarili na nasapawan siya ng babaeng ahas kagabi.
Akala ni Rica ay sobrang ganda na niya sa kanyang ayos kagabi. Nagmadali talaga siyang umuwi sa bahay kahapon para lang maligo. Ilang oras din siyang nagkulot ng kanyang makapal at mahabang buhok gamit ang binili niyang pangkulot sa online shoppingna nakita niya. Para lang lalo siyang gumanda.
Nagpapasalamat si Rica dahil tamang-tam lang ang pagdating ng kanyang inorder na royal blue floral dress na binili rin niya sa online shopping. Mura lang naman ang presyo nito ngunit maganda ang disenyo ng kanyang biniling dress.
Isusuot sana ni Rica iyon sa kaarawan ni Rafael ngunit biglaan nga ang dinner meeting nila kagabi. Wala siyang pagpipilian kundi isuot na lang niya ang blue dress na iyon kaysa magsuot siya ng lumang dress niya baka magmukha pa siyang pulubi. Lalo na kasama nila sa dinner ang mga maiimpluwensyang tao sa bayan ng Santiago.
Isa pa sa kinainisan ni Rica kagabi kay Ashley ay sobrang trying hard itong makipagsosyalan at makipag-close kay Mam Valeria Martinez Gutierrez. Lihim na lang siyang natatawa dahil halatang naiirita si Mam Valeria kay Ashley sa sobrang kakulitan nito.
"Yup! Si Ashley, nga ang pasimuno sa mga tsismis na kumakalat ngayon sa buong kumpanya," ngising sabi ni Rafael.
Pagkapasok pa lang ni Rafael sa opisina kanina ay napansin niya na nagkakagulo ang mga katrabaho niya. Para bang may mga pinag-uusapan ang mga ito.
Noong una ay hindi pansin ni Rafael ang pinag-uusapan ng mga katrabaho niya. Dahil rin may hinahabol siyang report na kailangan niyang tapusin bukas.
Kapag 'di natapos ngayon ni Rafael ang report na pinapagawa sa kanya ng kanilang head department na si Sir Vince ay siguradong sermon ang aabutin niya bukas.
Sa kalagitnaan nang paggawa ni Rafael ng kanyang report ay bigla na lang siyang napatigil dahil narinig niya ang pangalan ni Elliott. Pasimple lang siyang nakinig sa mga katrabaho niya sa pagkukuwentuhan tungkol kay Elliott.
Narinig ni Rafael na ang pinag-uusapan sa opisina ay iyon pa lang nangyari dinner meeting kagabi. Alam naman niya na may dinner meeting si Mr. Orion Ricaforte kasama si Mr. Armie Gutierrez na may ari ng Gutierrez Group of Company.
Alam din ni Rafael na sinama ni Mr. Ricaforte sila Elliott, Miss Glenda at si Rica. Ang hindi lang niya inaasahan ay pati pa pala si Ashley ay kasama. Akala niya ay sila Rica lang ang kasama ni Mr. Ricaforte dahil ang tanging tatlong kaibigan niya ay kasama nito sa annual party ng Gutierrez Company.
Sa pagkakaalam din ni Rafael ay mag-uusapan ng mga ito ang tungkol sa annual party. Personal na iaabot ni Mr. Armie Gutierrez ang imbitasyon kay Mr. Orion Ricaforte.
Agad na tinawagan ni Rafael ang kanyang kaibigan na si Benjamin para sabihin dito kung ano ang tsismis ngayong araw na ito. Sa pagkuha niya sa kanyang cellphone sa kanyang bulsa ng kanyang suot na black slack pants ay biglang nag-ring na lang ito.
Napangisi si Rafael dahil nakita niya sa screen ng kanyang smartphone ang pangalan ng kanyang kaibigan na si Benjamin. Hindi na siya nagdalawang isip pang sagutin ito. Sa pagsagot niya ay hindi pa man siya nakakapagsalita ay agad na itong nagkuwento tungkol sa kumakalat na tsismis tungkol sa nangyaring dinner meeting kagabi.
Napagkasunduan nila Rafael at Benjamin na magkikita sila sa ground floor ngayon at pupuntahan nila sila Miss Glenda para makibalita sila sa nangyari kagabi.
"Jusko! Talagang pumunta pa talaga kayo rito para makipagchika minute sa amin?" kunot noo tanong ni Rica.
Hindi maiwasan ni Rica na matawa dahil kalalaking tao nila Rafael at Benjamin ay mga chismoso ang mga ito. Inasar pa niya ang mga ito na daig pa ng mga ito ang mga babae dahil masyadong uhaw ang mga ito sa tsismis.
"Si Elliott, ang gusto namin makausap. Para klaro at malaman namin sa kanya mismo kung totoo ba talaga ang tsismis na kumakalat sa kumpanya," ngising sabi ni Benjamin.
Tulad dati ay maagang pumasok sa trabaho si Benjamin para na rin agad niyang matapos ang kanyang trabaho. Para mamaya-maya ay petiks na lang siya.
Habang abala si Benjamin na nakaharap sa screen ng kanyang computer ay isa-isa na dumarating ang kanyang mga katrabaho sa marketing department office. Hanggang mapuno na nga ng emoleyado ang opisina nila.
Napapakunot noo na lang si Benjamin habang gumagawa siya ng kanyang report this month. Dahil naririnig niyang binabanggit ang mga pangalan ng kanyang kaibigan na sila Miss Glenda at Rica lalo na ang pangalan ni Elliott ng kanyang mga katrabaho.
Itinigil na muna ni Benjamin ang kanyang ginagawa at tumingin siya sa kanyang katrabaho na nakatayo sa kanyang likuran. Kung saan abala ito sa makikipagtsismis sa kaibigan nito. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at tinawag niya ang pansin nito.
Tinanong ni Benjamin sa kanyang katrabaho kung ano na naman ang pinagtsitsismisan ng mga ito? Napakunot noo na lang siya ng sabihin sa kanya ng kanyang katrabaho na sila Miss Glenda at dalawa pa nitong kasama sa human resources department ang pinag-uusapan ng mga ito.
Dagdag pa ng katrabaho ni Benjamin na pinag-uusapan din ng mga ito ang nangyaring dinner meeting kagabi nila Mr. Ricaforte at Mr. Gutierrez.
Nagtanong-tanong pa si Benjamin kung anong nangyari sa dinner meeting ni Mr. Orion Ricaforte. Nagulat siya sa kanyang nalaman. Tinawagan niya ang kanyang kaibigan na si Rafael para sabihin ang tsismis ngayong araw na ito.