Mikaella's P.O.V. "We're here, Mika," rinig kong sabi ni Kuya Mike kahit na may earphones ako. Nasa kotse n'ya ako ngayon at hinatid n'ya ako papunta dito sa Willton's Academy. Nakinig lang ako ng mga kanta hanggang sa makapunta kami dito dahil iniiwasan kong kausapin n'ya ako. Mahina lang naman ang volume ng pinapakinggan ko kaya naririnig ko parin s'ya kahit papano. Tinanggal ko ang isang earphone sa left ear ko at sinuot na ang bag ko. Pagkabukas ko ng pinto ay naramdaman kong hinawakan ako ni Kuya sa braso kaya naman napatigil ako. Napakunot ang noo ko at tinignan ko s'ya. "Wait," sabi nito at may kinuhang brown paper bag sa gilid n'ya. "Ginawan kita ng baon. I just want to make sure na kumakain ka ng mga healthy foods." Inabot n'ya ito sa akin at tinanggap ko na lang 'to. "Yo

