Mikaella's P.O.V. Tuesday na ngayon at nasa school na ako. Nagdi-discuss ang Professor namin ngayon at nakatingin lang ako sa bintana sa gilid ko. Hindi ako makapag-focus. Hanggang ngayon ay naiisip ko parin ang pinag-usapan namin ni Nathan. Paulit-ulit ko ring inaalala ang itsura n'ya nung nag-uusap kami. Pakiramdam ko ay may mali. "Ms. Mikella Evergreen?" Agad akong nabalik sa sarili ko at napatingin sa Professor namin na nasa pisara. Nakatingin ito sa akin habang hawak-hawak ang libro n'ya. "Can you answer the question number 5?" Tanong nito sa akin at ngumiti. Napangiwi naman ako at tinignan ang libro ko para hanapin ang sagot pero nakita kong nakasara ito at hindi ko pala binuklat kaya wala akong idea kung anong page na kami ngayon at kung tungkol saan ang tinatanong n'ya.

