Mikaella's P.O.V. Nang mapatingin s'ya sa akin ay nakita kong napakunot ang noo n'ya. Mukhang hindi n'ya rin inaasahan na ako ang makakatabi n'ya dito ngayon. Hindi s'ya nagsalita at nag-iwas ito ng tingin. Napayuko naman ako at napatingin lang sa palda ko. Biglang nag-flashback sa akin ang gabing nagpunta ako sa forest at sinundan ang mga lalaking naka clown mask. Naalala ko rin ang mukha ng babae doon. Ang boses n'ya na takot na takot at humihingi ng tulong. Ang mukha n'yang puro sugat at nawawalan na ng pag-asa. Lahat iyon ay bumalik sa alaala ko hanggang sa maalala ko rin ang pagbaril sa kan'yang noo. Dilat na dilat ang mata n'ya at nakatulala na lang ito matapos non. Naiyukom ko ang palad ko ng mahigpit at napapikit. Parang bumalik ang takot na nararamdaman ko ng gabing iyon.

