Mikaella's P.O.V. Friday na at free time namin ngayon. Wala si Professor Dannica dahil may mga meeting ang ito. Nakaupo lang ako at nakangudngud ang mukha sa lamesa ko habang nakikinig ng kanta. Napalingon ako sa empty seat sa likuran ko. Wala parin si Loui. Hindi parin s'ya pumapasok at wala kaming alam dito. Napunta ang tingin ko kay Kael nang makitang papunta ito sa akin. Napangiwi na lang ako at nagkunwaring tulog. Ano na naman kayang pag-uusapan namin this time? "Mika," rinig kong tawag nito sa akin. Medyo hininaan ko lang ang volume ng pinapakinggan ko na kanta dahil baka biglang pumasok na sa loob si Professor Dannica at hindi ko ito marinig. Ayoko na ulit maging center of attraction. Hindi ako nagsalita at gumalaw. Naramdaman ko na lang na tinapik ako ni Kael sa balikat

