CHAPTER FIFTY FOUR

1211 Words

Mikaella's P.O.V. Lunch break na ngayon at nandito ako sa back garden kumakain. Niyaya ako ni Kael na sumabay sa kanila kumain ni Cara pero gusto kong mapag-isa kaya tumanggi ako. Pinagmasdan ko ang strawberry pie na hawak-hawak ko. Nasa gitna pa lang ako nito at nakita ko na ang pulang filling nito sa loob. Napabuntong hininga ako at nilapag ito sa tabi ko. Uminom ako ng naraming tubig. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Tuwing nakakakita ako ng pula ay pakiramdam ko ay aatakihin ako ng anxiety ko. Kailangan kong ikalma lagi ang sarili. Napatingin ako sa lalaking tumigil sa harap ko. Nakaharap ito sa akin. Matangkad ito at kitang-kita ko ang pulang buhok nito lalo na't nasa labas kami at nasisinagayan s'ya ng araw. "Can I sit here?" Tanong nito at tinuro ang tabi ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD