Mikaella's P.O.V. "Mag-change na kayo ng pang-P.E. uniform. I'll wait for you guys sa gymnasium. Kalaro natin ngayon ang G11," sabi sa amin ni Professor Quan. "Pano po 'yon, Professor?" Rinig kong tanong ni Vince. "I'll explain later kung pano ang mangyayari," sabi ni Professor Quan. "Una na ako. Nandon na kasi ang mga g11. Wala ang Professor nila ngayong P.E. nila kaya masasali muna sila sa atin." "Noted po, Professor Quan. Susunod po kami," sabi ni Kael sa kan'ya. Tumango si Professor Quan at lumabas na ito sa classroom bitbit ang bag nito. Kinuha ko naman na ang Paperbag na naglalaman ng P.E. uniform ko. Nakita kong naglalabasan na ang iba para magpalit ng P.E. uniform sa restrooms. Lumabas na rin ako sa classroom at pumasok sa pinakamalapit na restroom. Nakita ko si Cara na

