Mikaella's P.O.V. "Class dismissed, pwede na kayong umuwi," sabi ni Mr. Neo Quan, ang Professor namin sa basic calculus. Nagsitayuan na ang mga classmates ko at mabilis na niligpit ang mga gamit nila. Halata mong excited umuwi ang mga ito. Parang wala rin silang galang sa Professor na nasa harap pa namin. "Class!" pumalakpak si Mr. Neo Quan at napatingin ang lahat sa kan'ya. "Don't forget to do your homework, okay?" "Noted, Professor Quan!" sagot ng mga babae sa amin habang busy sa paglalagay ng mga gamit nila sa bag. Nakatingin lang ako sa Professor namin na busy sa pag-aayos ng mga gamit n'ya. Mukhang bata pa ito. Parang nasa 22 or 23 years old lang ito. Itim ang buhok n'ya na medyo maiksi. Matangkad din s'ya at tama lang ang katawan. Nang makita kong napatingin ito sa akin ay

