Mikaella's P.O.V. Lunch break na ngayon at nandito ako sa cafeteria kumakain mag-isa. Busy sila Cara at Kael. Pinatawag sila ng Homeroom teacher namin kanina at mukhang may pinapagawa sa kanila ngayon. Ginala ko ang paningin ko dito sa cafeteria habang kumakain. Halos lahat sila ay may kan'ya kan'yang kasama kumain. Maraming mayroong circle of friends. Napabuntong hininga na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain ko sa sopas. Kailangan ko parin uminom ng gamot ngayong araw par tuluyan na akong gumaling at hindi na bumalik ang lagnat ko. Pagkasubo ko ng sopas ay muntik ko na itong madura dahil mainit pa ito. Napasimangot ako at hinipan ito bago kainin ulit. Habang ngumunguya ay bigla kong naalala sina Chase at Earl. Matapos kong makasakay sa kotse nila ay kung ano-ano lang ang tinano

