"Cara!" Tawag ni Kael kay Cara nang makalapit na ito sa babae. Agad n'yang inabot ang bote ng tubig kay Cara. Mabilis naman iyong tinanggap ni Cara at ininom. Halata mo sa mukha nito na kanina pa ito nagtitiis sa anghang na nalalasahan. "Nasaan si Mikaella?" Nakakunot na noong tanong ni Kael habang nakatingin sa kaninang pwesto ni Mika. Napakunot din ang noo ni Cara at parehas nilang ginala ang paningin sa paligid. "Hindi ko alam," sagot ni Cara at nilapag ang bote ng tubig sa lamesa sa gilid. "Hindi ba s'ya sa'yo nagpaalam?" Tanong ni Kael. Umiling lang si Cara bilang sagot dito. "Hanapin natin s'ya, baka maligaw s'ya. Mukhang ngayon lang rin s'ya nakapunta dito," aya ni Kael. Naglakad naman na ang dalawa at tumingin sa mga gilid-gilid nila para hanapin si Mikaella. "Tingin mo um

