“Ilabas mo ang anak mo, Mr. Tucker.” Nanggigigil kong wika habang nakakuyôm ang aking mga kamay. Isang buwan na ang lumipas ngunit hindi ko pa rin mahanap si Wesley. Hinalughog ko na ang lahat ng lugar na maaaring nitong pagtaguan ngunit parang bula na naglaho ang nobya ko. “Do you think, pagkatapos mong saktan ang anak ko ay ipagkakatiwala ko pa siya sayo? Kahit na mawala ang lahat sa akin ay wala akong pakialam dahil higit na mahalaga ang aking anak. So, don’t waste your time, na hanapin sa akin ang aking anak, dahil wala kang mapapala sa akin.” Matigas na sagot ng ama ni Wesley, nababanaag ko ang matinding galit nito para sa akin. Gustuhin ko mang i-paliwanag sa kanya ang lahat ngunit hindi ko alam kung paano. I’m sure na mas lalo itong sasabog sa galit sa oras na malaman niya na may

