Natigil sa kanyang ginagawa si Asher ng padabog na bumukas ang pintuan at pumasok ang galit na si Wesley. “Bakit mo ginawa ‘yun!? Bakit mo sinabi sa lahat na mag-asawa tayo!?” Nanggigigil na tanong nito kaya dumilim ang mukha ni Asher at diretsong tinitigan sa mga mata niya ang dalaga. “Bakit? Dahil hindi ka makapag landi sa Mike na ‘yun? Tell me? Iyon bang lalaki na yun ang pinalit mo sa akin?” Matigas na tanong ni Asher, halos magdikit ang mga kilay ni Wesley dahil labis siyang naguguluhan. “Wala kang pakialam kahit kanino mang lalaki ako lumandi! Dahil unang-una ay wala tayong relasyon at pangalawa ay ikaw ang nanloko sa akin! And remember, may asawa ka na kaya wala kang karapatan na panghimasukan ang buhay ko! At kung sino man ang malandi sa ating dalawa ay ikaw ‘yun! Dahil hindi ka

