Saglit lang siyang hindi nakaimik ngunit nakabawi naman siya kaagad. "Nagpapatawa ka ba? o Wala ka lang sa sarili mo? Nakalimutan mo ba ang mga sinasabi mo noon na hindi mo ako kayang mahalin?" Tumaas na naman ang kilay na wika niya rito. " Past na yun, Mariella. At huwag mo nang uungkatin pa, kung ano mang mga masamang nasabi ko sa'yo dati ay kalimutan mo na. Because the past isn't helping us solve our problem." Matigas na wikang sagot ni Juancho. "Umalis ka na, Juancho, huwag mo akong lokohin, alam ko na dahil kinausap ako ng girl friend mo, si Miss Arah Jean Miller!" Di napigilang asik niya rito. " What!??" Sambit pa nitong nakakunot-noo. "Ano? nagulat ka ba? alam kong naiinsulto ka lang sa pagpapa-annul ko sa'yo, Jusko! babaan mo naman ang pride mo, Mr. Juancho Montemayor! hin

