Sabay naman ang dalawang lalaking napatingin kay Juancho. " Nakz, talaga Mr. Montemayor? asawa mo pala dati si Miss Mariella?" Tanong pa ng isa na si Marvin. " Yes. Asawa ko siya dati." Tanging sambit ni Juancho. Lumapit naman si Miss Keith kina Mariella at nakihabilo din ito sa kanila. Naupo naman si Mariella at naki join sa table nina Raiza. Mabuti naman at maayos ang pakikipag beso-beso ng mga ito sa kanya at pakikipagkuwentuhan sa mga ito pagkatapos. Uminom muna siya ng kunting wine Kasama sina Raiza at Miss Keith. Napansin naman niyang panay ang tingin sa kanya ni Miss Keith ngunit di niya iyon binigyang pansin. Alam niyang pinagseselosan talaga siya nito. At nakita niyang sa kabilang table ay naroon ang mga lalaki na sina Juancho at ang dalawang lalaking bisita na kasama ni Raiz

