Hinayaan ni Mariella na pagmasdan siya ni Juancho. Naisip niyang maglalaway ito ngayon sa kanya dahil imposible na kung maging sila pa sapagkat may bago na itong babae ngayon sa buhay nito. At bahala ito kung luluwa ang mga mata nito sa kakatingin sa kanya. Ang gagawin lang niya ay hindi papansinin kung anong mga ipinakita nito sa kanya. May bago na ito kaya dapat hindi na ito tumitingin sa ibang babae. Tulad niya. Sabagay maganda din naman ang babae nito. Hindi naman namumulot ng pangit ang hudiyong ito. Sinadya niyang mas lakihan pa ang mga subo niya dahil patuloy itong nakatingin sa kanya. Nakalimutan niya palang hindi niya ito nayaya sa pagkain kahit bilang respect lang rito. Ngunit parang di naman niya kayang magyaya rito. Baka akalain pa nitong good sila nito. At nakadama na siya

