" Yan ang mga napapala mo sa ginagawa mo, Danica. At sana nagkakaliwanagan tayo at susundin mo ang lahat na sinasabi ko." Anito sa kanya. " Opo, Kuya." Sagot niya sabay napahawak parin sa kanyang ulo. " Okay, sige." Tugon nito at iniwan na agad siya ng kanyang Kuya. Nakahinga pa siya ng maluwag ng tumalikod na ito. Nasisiraan na talaga siya. Hindi man lang nga Siya nakaranas ng pagka crush hanggang ngayon at hindi siya nag-iimagine ng kahit sinong lalaki, pero ngayon nakakasuka siya dahil sarili niyang Kuya ay nag- iisip siya ng kung anu-ano. Simula noong gabing hinalikan siya nito ay parang may kakaiba na siyang naramdaman. " Ah, kalokohan!" Aniyang napatayo at inis na sinabunutan ang sarili. Guni-guni lang yun at hindi totoong hinalikan siya ng gabing iyon ng kanyang Kuya Choi!

