Nakasuot lang ito ng boxer short at nakasandong puti na naman. Nagawi ang mga mata niya sa maumbok na harapan nito at bigla siyang naaasiwa nang makitang bakat na bakat ang malaking sandata nito. Mabilis naman niyang iniwas roon ang tingin. Hindi niya ito sinagot at kumuha siya ng plato at kubyertos upang kumain. Alam niyang nakasunod ito ng tingin sa kanya. Ano ba ang ginagawa nito rito? mga alas nuebe na ng gabi at alam niyang oras na talaga nito sa pagpapahinga lalo na't galing pa ito sa office. Sabagay ay linggo naman bukas at walang office. Bumangon lang talaga ito upang magkape? tahimik siyang umupo at kinuhaan ng takip ang mga pagkaing tinakpan sa mesa. Hindi iyon nilagay ni Manang Loreng sa ref dahil alam nitong hindi pa siya kumain. Kumain na siya at hindi rin siya nagyaya r

