Matapos kumain ang mga bagong dating na among binata at mga kaibigan nito ay inutusan agad ni Manang Berta si Mariella na maghugas ng mga pinggan. Habang si Aling Tina naman ay nagse-serve sa sala ng villa ng masarap na dessert na hinanda ni Manang Berta para sa among binata at sa mga kasama nito.
Madali lang naman natapos ni Mariella ang paghugas sa mga pinagkainan nila. Dumating naman ang kanyang tatay at ang tatlong bantay na kasama nito upang mananghalian na rin ang mga ito kasama silang lahat. Kaya tumulong na rin siya sa paghahanda ng mga pagkain sa mesa para sa kanila habang nagrerelax na muna sa mga kuwarto ang mga bisita at ang amo nilang si Sir Juancho pagkatapos natikman lang ng kaunti ang dessert na isinerbe ni Aling Tina.
Sabay na rin silang dumulog sa mahabang mesa sa komedor nang pumasok na sa loob ng villa ang kanyang tatay na si Brando at ang tatlong kasama nitong bantay. Tinolang manok ang ulam nila at nagprito din sila ng tuyong isda na paborito nilang uulamin.
"Kanina pa ba dumating ang anak ng amo natin, Manang Berta?" Tanong pa ng kanyang tatay na si Brando sa gitna ng kainan nila.
"Oo, ayun.. nagpahinga muna sa mga kuwarto. Siguro napagod sa mahabang byahe." Sagot naman ni Aling Berta.
"Sana sasahuran na tayo mamayang hapon, gagamitin kasi ng anak ko. Ihahatid ko pa sa pamilya ko mamaya ang sahod ko kapag maibigay na ni Sir." Ang sabi ni Mang Fredo.
"Baka mamaya mangsahod na si Sir Juancho, hintay lang tayo." Muling wika ni Manang Berta.
Habang patuloy silang kumain lahat ay bigla nalang dumating sa komedor ang binata nilang amo.
"Speaking of salary, pagkatapos niyong kumain ay sasahuran ko na kayo." Biglang nagsalitang wika ni Sir Juancho.
Natigilan ang lahat sa pagkain at napatingin sa binatang amo. Halos maibuga pa ni Mariella ang tubig na kaiinom lang niya sa biglang pagsulpot roon sa komedor ng kanilang napakaguwapong among binata! Mas lalo pala itong guwapo sa malapitan. Parang nag-iinit ang kanyang pisngi na nakatingin sa among binata nila.
"Sir Juancho, salamat sa'yo, Sir, kung ganoon." Agad na sagot ni Manang Berta.
"Magandang araw po sa'yo, Sir, kain ho tayo, Sir!" Nabiglang wika pa ng kanyang tatay na si Brando at maging ang mga kasama ng kanyang tatay ay kaagad na bumati sa among binata.
"Thank you. Sige, kumain muna kayo. Hihintayin ko po kayo." Tugon ni Sir Juancho.
At agad na itong tumalikod sa kanila.
"Mabait naman pala ang anak ng ating amo." Saad pa ng kanyang tatay na si Brando.
"Oo nga, Brando, mukhang mabait din tulad ng kanyang mga magulang." Sagot agad ni Manang Berta.
"Ilan ba silang dumating?" Tanong naman ng isang kasamang bantay na asawa ni Aling Tina, si Mang Leo.
"Apat sila, at may isang babae. Tingin ko'y girlfriend siguro ni Sir Juancho dahil sweet sila kanina." Mahinang sagot ni Aling Berta.
Para namang nadismaya si Mariella nang marinig na girlfriend daw ni Sir Juancho ang babaeng maputi at magandang kasama ng mga ito. Kung ikukumpara siya sa babae ay wala lamang siya kalingkingan. At ni hindi nga siya magawang tapunan man lang ng tingin kanina ng guwapong among binata.
Pero iba parin ang nararamdaman niya, gustong-gusto niyang mapansin ng binatang amo. Tahimik lamang siya habang nag-uusap ang mga ito. Hanggang sa may bigla siyang naisip!
Tumayo kaagad siya upang mag-toothbrush na para mauna na siyang magpasahod sa kanilang among binata para at least mapansin naman siya agad nito. Maiksi ang short niyang suot at kahit di siya gaanong maputi ay okay lang yun! Baka sakaling mahumaling din sa kanya yung nakakainlove na amo nilang binata.
"Oh, Mariella, saan ka na ba?" Tanong pa ng kanyang tatay na si Brando.
"Mauna na po ako sa inyo, Tay, tapos na po ako." Ang tanging sagot niya sa mga ito.
"Uy, teka, Mariella, sabay nalang tayo!" Pigil pa ni Manang Berta sa kanya ngunit di na siya lumingon pa sa mga ito.
Kinabahan pa siya nang makita at maabutan niyang nakasandal si Sir Juancho sa mahabang sofa ng malawak na sala ng villa. Pero hindi siya dapat mahiya upang mapansin siya ng binata. Grabe, ang guwapo naman kasi ng amo nilang ito. At talagang lihim siyang kinikilig kapag masisilayan niya ang super guwapong mukha nito. Agad naman siyang napansin at nakita nito. At siya naman ay napaurong saglit at hindi nakapagsalita habang nakatitig sa mukha ni Sir Juancho.
"Oh, yes?? Do you need something??" Kunot-noong tanong nito sa kanya at sabay hagod sa kanya mula ulo hanggang talampakan.
Parang naumid naman saglit ang kanyang dila kaya matagal siyang nakasagot.
"Ahhhmm.. y-yes, Sir, magpasahod na po ako, Sir.. Aalis kaagad kasi ako, m-may importanteng bibilhin sa lungsod." Ang sagot niya na medyo nauutal.
"How many days in a month did you work? If I'm not mistaken, you're the student that Manang Berta mentioned to me, right?" Wika nito na salubong ang mga kilay na tiningnan siya nito.
"P-po?? Ahh.. mga.. mga siyam na araw siguro, Sir." Kinakabahang sabi niya rito.
"Make sure first, don't rush, okay? Just wait for a while for Manang Berta and the others.." Ang muling wika nito.
"Sigurado na ako, Sir! Siyam na araw yung sa akin. Pero sige lang po, Sir, hihintayin ko nalang sila dito." Ang tugon niya rito at naupo agad siya sa harap ng binata.
Ni hindi man lang siya nahiya rito. Parang nakadama pa siya nang tuwa nang muli itong napasulyap sa kanyang mga hita na sobrang iksi na ang kanyang suot na short. Nakasanayan na kasi niya iyon dahil para sa kanya kaakit-akit siyang tingnan at nararamdaman niyang napakaganda niya kapag seksi ang suot niya.
"How old are you and what grade level are you in?" Tanong nito sa kanya na salubong parin ang mga kilay at muling tinapunan ng simpleng tingin ang kanyang suot na halos maghubad nalang siya dahil sa iksi nito.
"Ahh.. labing-pito anyos na po ako, Sir, at Grade Twelve na po ako. Mabait naman po ako, Sir, kaya nga walang boyfriend pa rin ako hanggang ngayon." Ang sabi niya na parang tinupak na naman siya sa kanyang pagka-lukaret.
Parang nainis ang mukha nito na muling napatingin sa kanyang mukha.
"Talaga?? Mabait ka pala, laking probinsya ka diba? But why didn't you fix what you're wearing?? Look, your short is too short, which doesn't suit you." Panginginsultong mukhang galit na sabi nito sa kanya.
Mukhang nainis nga ito sa kanya. Tiningnan naman niya ang maiksing short na suot. But thanks dahil napansin naman siya nito at nakausap niya ito ngayon — bahala na kung iinsultuhin siya.
Magsalita pa sana siya ngunit biglang dumating naman ang babaeng kasama nito, lumabas na ito sa kuwarto at nabigla pa siya nang agad itong kumandong kay Sir Juancho at saglit na humalik sa labi. Nakasuot ito ng short pero di naman gaanong maiksi, at susmaryosep! Napakinis nito at napakaputi ng mga binti nito hindi tulad sa kanya!
"Bakit mo ako iniwan doon sa kuwarto? Nakaidlip ako saglit, when I woke up you were no longer beside me." Malambing pang wika ng babae kay Juancho.
"Okay na yung pahinga ko. I forgot to give the guards and helpers their salaries first. Baka kailangan agad nila, dapat nga kahapon pa sila nasahuran." Ang tugon naman ni Juancho at pinisil pa nito ang ilong ng magandang babaeng kumandong rito.
Napanganga nalang si Mariella habang nakatingin sa mga ito. Na out of place tuloy siya sa dalawa. Subalit mukhang kapal mukha din siya at di man lang umalis roon. Hanggang sa napansin naman siya ng magandang babae. Hindi naman niya inaasahan na ngitian siya ng matamis nito at mukhang mabait ito. Palagay niya'y halos magkaedad lamang ito at ng kanilang among binata.
"Hi! Katulong ka rin ba rito? Mukhang bata ka pa." Ang sabi ng babae.
"O-opo, magpapasahod sana ako ng una kay Sir pero hihintayin ko nalang sila tatay ko at Manang Berta." Sagot naman niya agad rito.
"Ahh.. Bantay rin ba ng ranchong ito ang tatay mo?" Tanong nito sa kanya.
At muli ring napatingin sa kanya si Sir Juancho.
"Yes po, Ma'am, at ako ay nagtatrabaho lang din dito sa villa sa tuwing Sabado at Linggo. Minsan Biyernes din kung walang pasok sa paaralan. At dito rin kami pinatira sa villa ni Madam Walsonia dahil wala na kasi akong nanay at wala akong kasama sa bahay namin dahil araw-araw ay nandito si Tatay sa rancho." Sagot naman niya rito.
"Ahh, okay. Anong pangalan mo at ilang taon ka na?" Tanong nito sa kanya.
Mabait talaga ito kaya parang kampante naman si Mariella na nakipag-usap rito.
"Ako nga pala si Mariella, Ma'am, labing-pito pa po ako.. Salamat at nakikipag-usap po kayo sa akin, Ma'am. Akala ko po masungit po kayo." Sabi naman niya rito at ngumiti din sa babae.
"No worries, mabait ako. Ako nga pala si Jessica, girlfriend ni Juancho." Pakilala din nito sa kanya.
"That's why I love you so much, sweetheart, because you are kind and talk to everyone without discrimination." Matamis na ngiting wika ni Juancho at sabay yapos nito sa girlfriend at mariing hinalikan sa noo.