" Ano ba, Juancho. Maabutan tayo ng mama mo at makita niya tayo." Saway niya rito sabay distansiya rito. "Ang hirap naman, mag-asawa naman tayo, Pero ganito ang sitwasyon." Sabi pa ni Juancho. " Ay oo, Mag-asawa nga tayo, pero alam mo naman diba." Aniya rito. " Alam mo ba, pinapa imbistigahan ko kung sino ang nagpabalik sa mga ipinadala ko sa'yo dati. At kung bakit hindi ito nakarating sa'yo." Sabi ni Juancho sa kanya. "Sakit nalang yan sa ulo mo. Hayaan mo na." Sagot niya rito. " No, Mariella, kailangan kong malaman kung sino siya. You know what? Miss ko na agad yung nangyari kagabi." Tugon nito sa kanya sabay kindat nito sa kany. Kinuha pa nito ang kanyang kamay at ikinulong iyon sa mga palad nito. "I'll never get tired of you, darling." Sabi pa nito sa kanya na walang sawa siya

