CHAPTER 5

1749 Words
Galit na kinalas ni Sir Juancho ang kanyang mahigpit na pagkayakap rito. At nanlilisik ang mga matang hinarap niya ito. "I don't like what you're doing! Get yourself together!" Galit na galit na bulyaw sa kanya ni Sir Juancho. Pero parang hindi naman siya tinablan sa mga pagsigaw nito sa kanya. "Pero Sir, kasalanan po bang magkagusto ako sa'yo?" Sabi pa niya rito. At mas lalong ikinainis iyon ni Juancho. Bigla namang dumating si Manang Berta at nakita nito ang ginawa ni Mariella at narinig lahat ang sinabi niya sa among binata. "Jusko, pasensya ka na po, Sir!" Biglang sabi ni Manang Berta na kararating lang at parang ang matanda pa ang nahihiya sa kanyang ginawa. "Manang Berta, paki-disiplina nga sa kanya." Sabi pa ni Sir Juancho at agad na tumalikod. Halatang inis na inis ito sa ginawa ni Mariella. Parang natatakot naman si Mariella nang sila nalang ang naiiwan ni Manang Berta. Matalim siyang tiningnan ni Manang Berta at pagkatapos ay kinurot siya nito sa singit. "Aray!! Manang Berta naman oh!" Reklamo pa niya sa ginawang pagkurot ng matanda. "Pumasok ka na doon sa kuwarto mo, Mariella, upang makapagbihis ka na ng uniporme mo! Pag ito'y malaman ng tatay mo, siguradong mapapalo ka talaga niya!" Asik pa ni Manang Berta. Akala nila ay dalawang buwan talagang manatili si Sir Juancho sa Villa, subalit bigla nalang itong nagdesisyon na uuwi dahil tumawag ang ina nitong si Madam Walsonia na hindi na muna ito makakapunta sa Rancho dahil may biglaan silang reunion na gaganapin — kaya umuwi nalang si Sir Juancho. Nalungkot naman ng labis si Mariella sa pag-uwi ng binatang amo. Para siyang baliw na hindi lumalabas sa kanyang kuwarto at lihim na umiiyak. Nagkagusto talaga siya sa among binata kahit na sabihing hindi siya nito pinagtuonan ng pansin. Yakap-yakap niya ang malaking unan habang ito'y nasa kanyang imahinasyon. Hindi niya mapigilang mangarap sa edad niyang labing-pito anyos na sana balang araw ay magiging sila ng among binata. Parang biglang naging boring ang buong Villa simula nang umalis at umuwi na ang kanyang among binata. Nakaupo siya ng hapong iyon sa labas ng Villa kung saan may mga upuan at mesang nakalagay sa ilalim ng mga punong kahoy. Siya lang at si Manang Berta ang nasa Villa — ito'y nagluluto sa kusina habang siya'y nasa labas at katatapos lang magwalis sa buong paligid ng Villa. Araw iyon ng Linggo kaya siya'y walang pasok. Hindi pa dumating mula sa mga hayop sa Ranchong iyon ang kanyang tatay na si Brando at pati na ang mga kasama nito. At si Aling Tina naman ay umuwi ito sa bahay nito at bukas na ng umaga iyon babalik rito sa Villa. Malungkot niyang pinagmasdan ang buong paligid sa labas ng Villa. Hindi niya maiwasang mangarap ng mangarap sa kanyang among si Juancho. "Hayyss.. Kailan ka kaya babalik, Sir? Miss na miss na kita. Sana hindi nalang kita nakilala — hindi sana ako magkaganito ngayon. May mga pangarap ako sa buhay, Sir: Una, gusto kong makapagtapos ng pag-aaral sa isang mataas at kilalang paaralan ng mga mayayaman; pangalawa, gusto kong maging isang mang-aawit; at pangatlo, gusto kong maranasan man lang kung ano ang pakiramdam na yakapin, halikan, at saglit na paliligayahin mo, Sir Juancho. Nababaliw na siguro ako, pero nagpakatotoo lang ako na mahal kita, sobra." Aniyang mahabang nagsasalita nang mag-isa. At gusto niya sa kanyang mga pangarap ay si Sir Juancho ang una niyang makamit. Dahil pag makamit niya ang kanyang among binata, alam niyang mas gagawin niyang inspirasyon ito upang makamit din niya ang ibang pangarap sa buhay. Tama, kailangang mag-focus muna siya sa ngayon sa kanyang pag-aaral — dahil pag oras na babalik sa Villang ito ang binatang amo, gagawin niya agad ang lahat upang maakit at maangkin lang siya ng binata. Okay lang kung hindi siya panagutan nito kung sakaling aangkinin siya nito, basta ang mahalaga ay maranasan man lang niya kung paano ito humalik. Lalo na pag siya'y angkinin nito — at pag mangyari iyon, alam niyang langit na iyon para sa kanya. "Oh, Sir Juancho! Iniibig kita ng buong puso." Sabi pa ni Mariella at wala sa sariling niyakap ang sarili. Hindi naman lingid kina Manang Berta at Aling Tina ang malaking pagkakagusto ni Mariella kay Sir Juancho. Ang tatay niyang si Brando naman ay walang kaalam-alam tungkol sa kanyang malaking pagkakagusto kay Sir Juancho. Hindi naman ipinaabot iyon ni Manang Berta sa kanyang tatay dahil sa pag-aakalang bunga lang ng kabataan ng kanyang isipan kung bakit ganoon nalang ang ipinakita niyang pagkakagusto sa kanilang among binata. Mabilis lumipas ang mga araw at buwan kaya hindi nalang namalayan ni Mariella na siya'y ganap nang dalaga sa edad niyang dalawampu anyos. Tatlong taon na ang nakalipas simula nang umalis si Sir Juancho at umuwi sa Maynila — at ito'y hindi na nakabalik pa. Nabalitaan nalang nilang sa Amerika ito nagtapos sa pag-aaral ng kursong Bachelor of Business Management, kaya pala hindi na ito nakabalik pa sa Rancho. At minsan ay ang dalawang kapatid nitong babae ang sumubok na magbakasyon roon sa Rancho kasama ang inang si Mrs. Walsonia Montemayor o si Madam Walsonia. Si Mariella naman ay nag-aaral na ng kolehiyo, ngunit hindi naman niya gusto ang kursong Education na kinuha niya. Iba kasi talaga ang nais niyang kurso — at iyon ay ang Fashion Design. Kaya lang ay masyadong mataas ang halaga ng kursong hinahangad niya at hindi iyon nakayanan ng kanyang tatay na si Brando, na isa lamang sa mga bantay ng mga hayop sa Rancho ng mga Montemayor. Isang araw ay narinig niyang nagkausap sina Aling Tina at Manang Berta at nabanggit ng mga ito ang pangalan ni Sir Juancho. Hindi lang niya gaanong marinig iyon. Paaalis na siya papuntang paaralan at natigilan lang siya nang marinig ang pag-uusap ng mga ito — kaya saglit siyang nagpalapit ng kunti sa mga ito upang malinaw niyang marinig ang usapan. Napadaan lang kasi siya sa may bandang kusina ng Villa at naroon sina Manang Berta at Aling Tina. Nagtulungan ang mga ito habang may mga hinandang lulutuin. "Magtatagal daw sila ritong mag-ina. Nagkasakit kasi si Madam Walsonia kaya dumito muna sila sa Villa — kailangan daw kasi nito ang laging sariwang hangin at dahil gusto din ni Sir Juancho na makapag-relax ulit rito, sasama din ito sa ina." Mahabang sabi pa ni Manang Berta. "Ganoon ba, Manang Berta?" Sabi pa ni Aling Tina. At siya naman ay napaurong dahil sa narinig. Bigla nalang siyang kinabahan na hindi niya maintindihan. Dali-dali naman siyang humakbang paalis bago pa siya madiskubre nina Manang Berta at Aling Tina na nakikinig sa usapan ng mga ito. Ang akala kasi ng mga ito ay umalis na siya dahil siya'y nakapagpaalam na sa mga ito. Habang pasakay siya ng pampasaherong tricycle papuntang paaralan ay hindi niya maipaliwanag ang tuwa. Muli niyang makikita si Sir Juancho pagkatapos ng tatlong taon! At excited siyang muli itong makita. Buong maghapong hindi nakakoncentra sa paaralan si Mariella dahil nasa kay Sir Juancho lang ang kanyang isipan. Akala niya ay makalimutan niya ito, ngunit lumipas nalang ang tatlong taon buhat nang ito'y umalis sa Villa ay hindi na talaga niya ito nakakalimutan hanggang ngayon. At dahil hapon na ay umuwi na nga siya sa Villa. Mas lalo pa siyang natuwa nang pagdating niya ay isang magarang kotse ang nakaparada sa garahe ng Villa — at sigurado na talagang nandito na pala sina Sir Juancho at ang ina nitong si Madam Walsonia! Wait, mapapansin na kaya siya ni Sir Juancho? Mas okay na siya ngayon kumpara noong labing-pito pa lang siya. Sumeksi siya ngayon at may magandang kurba ng katawan — kahit sabihing hindi siya maputi dahil laking probinsya siya, wala na iyon sa isip niya! Pagpasok niya sa Villa ay si Madam Walsonia kaagad ang kanyang nakitang kausap ni Manang Berta sa malawak na sala ng Villa. "M-magandang hapon po, Madam.. at M-manang Berta." Pagbibigay-galang niya sa mga ito at sabay napayuko saglit. "Oh, Mariella! Mabuti naman at tuloy ang pag-aaral mo." Sabi pa ni Madam Walsonia sa kanya. "Yes po, Madam. Nag-aaral ako kahit ayoko sa kursong kinuha ko ngayon." Tugon naman niya rito. "Ha, but why?" Ang sabi naman nito. "Hindi kasi kaya ni Tatay ang kursong gusto ko, kaya Education nalang itong kinuha ko." Ang sagot naman niya. Lihim niyang nilibot ang paningin ngunit hindi niya makita si Sir Juancho. "Pero okay na 'yan, Mariella. Ang importante ay may matatapusan ka." Sabi ni Madam Walsonia. Mabait talaga ang babaeng amo nila na ina ni Sir Juancho. Ang among lalaking tatay naman ni Sir Juancho ang may pagka-strikto. Kaya parang takot sila kung ito ang makapunta sa Villa. "Oh, sige na, Mariella, magbihis ka na muna upang ikaw nalang ang magdilig ng mga halaman sa labas ng Villa — dahil may ipapaluto sa amin ni Tina si Madam." Utos pa ni Manang Berta. "Okay po, Manang Berta. Excuse me po, Madam.." Paalam pa niya kay Madam Walsonia. "Oh, sige, Mariella." Tugon pa ni Madam Walsonia. Nagmamadaling nagbihis naman siya at pagkatapos ay lumabas agad ng Villa at kinuha ang hose na ginagamit nila pandilig sa mga halaman. At natigilan naman siya nang makita sa likod ng Villa ang nakatalikod na matangkad na lalaki na may tamang pangangatawan. Naka-jogger itong kulay asul at nakasuot ng sandong kulay itim. Kumabog ng malakas ang kanyang dibdib dahil alam niyang si Sir Juancho iyon! Timing namang napalingon ito sa kanya habang ito'y palakad-lakad roon at nagmamasid sa buong paligid sa likod ng malaking Villa. At muli niyang nasilayan ang sobrang guwapo nito na parang makalaglag-panty! Natigilan din ito nang makita siya. "Sir Juancho!! Kumusta!?" Hindi niya napigilang tanong rito at sabay humihingal na lumapit rito — kaya napahinto ito at mariin siyang tinitigan nito. "Oh, Mariella, you're still here at the Villa until now?" Tanong pa nito sa kanya habang siya'y tinitigan nito. At parang hindi pa nito nagustohan ang kanyang presensya. "Bakit po, Sir? Ayaw mo na ba akong makitang muli rito? Alam mo naman siguro noon pa na dito na kami ni Tatay pinatira ni Madam Walsonia." Sabi pa niya rito. "I don't know. Maybe I just forgot about it." Hindi nakangiting tugon nito sa kanya. "Salamat po, Sir, na nagbalik po kayo rito." Sabi naman niya rito. Kumunot naman ang noo nitong muling tumingin sa kanya. "Bakit?" "I missed you so much, Sir Juancho." Hindi nahihiyang sabi niya at seryoso din ang kanyang hitsura. Nanlaki ang mga mata ng guwapong binata dahil sa walang preno na sinabi niya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD