CHAPTER 5.
Mabait.
"Don't call me sir Gabriel, call me Gab. Hindi mo naman ako boss," aniya habang abala naman ako sa kinakain ko.
"Okay po," sagot ko naman.
"Ano pinagkakaabalahan mo ngayon?"
"May bago akong trabaho! Sa bahay ni Luke Esteban!" mabilis kong sagot.
"Oh? Luke Esteban? Mabuti at nakapasok ka doon," sagot niya.
"Oo, mabait naman si sir Esteban iyong daddy ni Luke," saad ko at nilantakan ang manok na in-order niya.
"If you need something just call me ha," aniya at natapos na siya sa kaniyang kinakain.
"Sige-sige, baka busy na rin ako Gab kasi nasa trabaho na ako simula bukas," wika ko. "Pag nagka free time ako tawagan kita at ako naman ang manlilibre!" nakangiting sambit ko.
"Nahh, you need that. Tawagan mo lang ako," aniya at agad na kaming tumayo pagkatapos niyang bayaran lahat ng in-order niya.
Inihatid niya ako sa bahay at nagpasalamat naman ako sa kaniyang pag libre at paghatid. Napakabait ni Gabriel hindi ko alam kung bakit ang bait at ang ganda ng trato niya sa akin. Hindi ko din alam ba't palagi niya akong nililibre at palagi niya akong nakikita na naglalakad.
Nang makapasok na ako sa bahay ay agad kong kinuha ang bag ko at nag-impake na, kailangan bukas maaga pa ako at ang sabi ni sir Esteban ihahatid daw niya ako.
Pagkatapos kong magimpake ng mga damit ko ay natigilan ako ng biglang may kumatok sa pintuan namin. Agad ko namang binuksan iyon at nagulat ako at natakot ng makita si Madam ang kinukuhaan ko ng balut.
"Pakihuli na lang po siya," utos niya sa mga pulis at agad nila akong pinasok at dinampot.
"Teka, madam magpapaliwanag ako!" sigaw ko pa ngunit umalis na siya.
"Sa presinto ka na lng magpaliwanag miss," wika ng isang pulis na humuli sa akin.
"Teka wala akong kasalanan!" sigaw ko pa.
Gusto kong magpaliwanag kay madam pero huli na, nakasakay na ako sa kotse ng mga pulis at dinala na ako sa presinto. Nang makarating na kami ay agad kaming pinasok at pinaupo ako sa harap ng assistance desk, nakasakay naman sa sariling sasakyan si madam.
"Madam, magpapaliwanag ako kasi sa araw na ihahatid ko na ang kita ko ay hinoldap ako!" pagmamakaawa ko.
Kahit maraming tao at pulis na dumadaan ay hindi ako nakaramdam ng hiya. Kailangan kong magpaliwanag, hindi naman ako nagnakaw at hinding-hindi ko gagawin 'yon. Kahit na mamatay ako sa gutom hinding-hindi ako magnanakaw.
"So bakit hindi ka nagpakita? Nasaan ang pera huwag ka ng magsinungaling!" singhal niya sa akin.
"Madam, babayaran ko naman eh may bago akong trabaho madam bukas na ako magsisimula sana naman pagbigyan niyo ako! Patawarin niyo ako madam!" hinawakan ko ang kamay niya at binitawan niya iyon.
"Ibigay mo muna ang pera para hindi ka makulong," aniya at humalukipkip ito sa harap ko.
"Mukhang wala atang may maibibigay 'to ipasok niyo na 'yan," sagot pa ng isang pulis.
"Madam! Parang awa mo na babayaran kita pagkasahod ko!" at doon na ako naiyak dahil hindi talaga niya ako mapagbibigyan. Inis na inis na siya at gusto ng makuha ang pera.
"Hey stop!" tumigil ang dalawang pulis sa pagbitbit sa akin at sabay kaming tumingin sa lalakeng sumigaw.
"Gab?" bulong ko pa.
Anong ginagawa niya dito? Akala ko umalis na siya? Nakakahiya mapagkamalan pa akong masamang tao dito pa talaga sa presinto.
"Totoo ang sinasabi niya na-holdap siya, i'm Gabriel Del Fuego at suki ako ni Sasha sa balut na binebenta niya," paliwanag niya kay madam at napalingon naman si madam habang nakataas ang kilay nito.
"Sorry mister kailangan niya pa rin bayaran iyon, hindi siya makakalabas diyan kapag 'di niya ako binayaran," sagot ni madam sa kaniya.
"How much?"
Halos nanlaki ang mg mata ko sa tinanong ni Gabriel, kailangan b talaga niyang gawin 'to? Hindi naman niya ako kaano-ano tsaka bakit niya babayaran?
"Six thousand!"
Kinuha ni Gabriel ang wallet niya at hinablot ang kulay blue na pera at ibinigay ito kay madam. Agad naman akong pinakawalan ng mga pulis.
"Sasha let's go," agad akong sumama kay Gabriel.
Isinakay niya ako sa kotse niya at hindi ko alam kung saan kami puponta. Hanggang ngayon nahihiya ako sa ginawa ni Gabriel, hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyon at halos hindi pa rin ako nagsasalita ngayon.
"Bakit mo ginawa 'yon? Akala kp ba umuwi ka na?" pagbasag ko sa katahimikan na bumabalot sa aming dalawa.
"This, i call you if nakauwi ka na but nandito lang ang phone sa loob ng car and then nahulog mo ata kaya naiwan dito," paliwanag niya.
Ngayon ko lang naalala na wala pala akong dalang cellphone kanina pagbaba ko sa kotse niya. Ito pala ang dahilan kung bakit niya alam na nasa presinto ako?
"Paano mp nalaman na nasa presinto ako?"
"Bumalik ako sa bahay niyo para ibigay ito pero bago pa ako makababa may mga pulis na dumating sa bahay niyo at dinala ka kaya sumunod ako," paliwanag niya.
"Thank you, bayaran ko na lang iyon sa unang sahod ko," wika ko sa kaniya at hindi ako makatingin dahil nahihiya na talaga ako.
"Hinoldap ka? Kailan pa?" kunot noong tanong niya.
"Noong sumigaw ako ng tumigil ang kotse mo sa harap ko," sagot ko naman at sobrang nakakahiya. "Lahat ng bente ko kinuha," dagdag ko pa.
"Okay, ipapahanap natin ang holdaper alam ko pa naman kung saamg street iyon at ilang araw pa lang nag nakakalipas," sagot niya.
"Maraming salamat," mabilis kong sagot.
Napakabait niya talaga, hindi ko alam pero habang tumatagal ang pagsasama namin nagiging komportable na akong kasama siya. Hindi tulad noon na nahihiya pa ako.
Maya-maya habang nagmamaneho siya ay biglang nag-ring ang cellphone niya at agad naman niyang sinagot.
"Where are you?! Gabo anong oras na!" rinig kong singhal ng boses lalake sa kabilang linya at nagulat pa ako.
"Pa, im on my way!" inis na sagot ni Gabriel.
"Ang tigas na talaga ng ulo mong bata ka! Anong oras na hindi ka pa umuuwi!" reklamo pa ng papa niya.
"Pa i'm not kid anymore 'im more than 21 and i am at the legal age hanggang ngayon ba naman?!" inis na reklamo ni Gabriel.
"I am concerned Gabriel!"
"Tssk!" inis na pinutol niya ang linya na namamagitan sa kanila ng papa niya. "f**k this life! Wala na talaga akong oras para sa sarili ko," reklamo pa niya ng ibinalik ang atensyon sa pagmamaneho.
"Hays, ganyan talaga kapag matanda na ang mga magulang natin," singit ko pa.
"Simula pagkabata sila nagdedesisyon hanggang ngayon hawak nila ang desisyon ko na dapat ay ako, kahit nga sa babae sila pumipili!" reklamo niya.
"Grabe naman! Paano kung hindi mo mahal ang babae na gusto nila para sa'yo?"
"Exactly!"
"Sige na next time na lang tayo mag-chikahan salamat ha!" paalam ko mg bumaba na ako sa kotse niya.
Mabait talaga itong si Gabriel, iyon nga lang wala siyang kalayaan. Hawak kasi ng mama at papa niya ang buhay niya at hindi siya basta-basta makakapag desisyon. Maling-mali naman talaga iyon, kikunan ng kalayaan ang kanilang mga anak.
Mabuti na lang at hindi naging matigas ang ulo ni Gabriel, nanatili siyang mabait kahit na ganon na ang ginagawa sa kaniya ng mga magulang niya.