CHAPTER 38. Habang nagluluto ako ay hindi ko inaasahang dumating si Luke kasama niya si Trixie, minadali ko ang pagluto ng ulam dahil alam kong gutom na sila. Basang-basa na rin ako ng pawis at hindi pa ako nakapagpahinga. Kulang din ako sa tulog kagabi dahil pinuyat nila ako kagabi. Utos sila ng utos at hindi talaga nila ako tinigilan. “Bilisan mo diyan nagugutom na kami,” sigaw ni Luke. Mabilis ko namang niluto ang ulam nila at inuna kong nilagay ang kanin sa lamesa, naiimbyerna ako sa babaeng ‘to sobra-sobra na talaga siya at kung makapag-utos akala mo naman asawa siya ni Luke. Pasalamat lang talaga siya at kaya ko pang kontrolin ang sarili ko, kasi kung hindi mapapatay ko talaga siya. Sunod ko

