SEV POV
“Putang ina, ang sakit ng ulo ko…”
’Yan agad ang bungad ko pagmulat ko. Parang binabarena ang sentido ko, parang may gumiling na makina sa loob ng bungo ko. Hangover na hangover, tuyong-tuyo ang lalamunan, at parang nanunuyo ang kaluluwa ko.
Pagtingin ko sa gilid ng kama, nagkalat pa ang mga bote, nagkalat ang mga sapatos ng mga kaibigan ko kagabi, at nasa kabilang kwarto pa sila, humihilik.
Boang talaga mga ’yon.
Walang pake kung maka-bayad ng babae.
Parang walang konsensya.
Napabuntong-hininga ako.
Humiga ulit.
Pumikit.
Hinawakan ang ulo ko.
Pero dahil hindi ako makatulog, dinampot ko ang cellphone ko.
“Tingnan ko na nga lang notifications…”
Pag-open ko ng lock screen, bumungad agad ang social media. Maraming notifications, mga memes, mga posts ng inuman, mga babae… normal.
Scroll… scroll… scroll…
Tapos-
isang headline.
Isang litrato.
At tumigil ang paghinga ko.
“Pamilyang Dalisay, pinatay ng brutal sa Mindanao. Panganay na anak na si Luningning Dalisay missing.”
Nalaglag ang cellphone ko sa kama.
Hindi ako kumurap.
Hindi ako nakagalaw.
Hindi ako makahinga.
Dahan-dahan kong kinuha ulit ang phone.
At doon ko nakita nang malinaw…
ang mukha niya.
Yung babaeng…
yung babaeng natalo ko sa pustahan.
Yung babaeng pinahiga ko.
Yung babaeng nagmakaawa.
Yung babaeng umiiyak.
At ngayon…
nasa balita na.
Nawawala.
Walang nakakaalam kung buhay pa.
Pinatay ang pamilya.
“Hindi… hindi… hindi pwede ’to…” bulong ko.
Pero habang nakatitig ako, para akong hinihila pabalik sa gabing iyon.
Yung kamay kong tumulak sa kanya.
Yung mukha niya na puno ng takot.
Yung sigaw niya.
“TAMA NA, PLEASE…”
Napapikit ako.
Napaungol sa sakit.
At hindi ko napigilan
BINATO KO ANG PHONE SA PADER.
“PUTANG INAAAAAAAAA!!!”
Hinampas ko ang kama.
Hinampas ang sarili kong dibdib.
Hinila ang buhok ko.
Sumigaw ako nang sumigaw hanggang nanghina ako.
“HINDI KO GINAWA ’YUN! HINDI KO ’YUN GUSTO! HINDI AKO GANO’N!”
Pero kahit anong sigaw ko…
kahit gaano ako sumakit…
kahit anong pilit kong paniwalain ang sarili ko…
ramdam na ramdam ko:
Nagawa ko.
At hindi ko matanggap.
Hinampas ko ang ulo ko sa headboard.
PAK!
“Hindi ko ginawa HINDI KO”
PAK!
“Hindi ko sadya! Hindi ko alam! PUTANG INA!”
PAK!
Kasabay noon, biglang bumukas ang pinto.
“SEV!!! ANAK!!!”
Si Mommy, palahaw ang iyak, takot na takot.
Kasunod si Daddy, hingal, mukhang kakagising lang.
“ANO’NG GINAGAWA MO?!” sigaw ni Daddy.
Hinawakan niya ang balikat ko, pero para akong hindi tao.
Para akong hayop na nakawala.
“BITAWAN N’YO KO! HINDI KO HINDI KO KASI”
Pero hindi ko maituloy.
Hindi ko masabi.
Paano ko sasabihin?
“Mom, Dad… ginahasa ko ang isang babae.”
“Dahil natalo ako sa pustahan.”
“Tapos pinatay ang pamilya niya.”
Hindi ko kaya.
Hindi ko kaya ilabas.
Kaya ang lumabas lang sa bibig ko-
“HINDI AKO GANO’N! HINDI KO GUSTO ’YUN! HINDI KO SINADYA!”
Umiyak si Mommy.
Walang tigil.
“Anak, ano ba? Ano’ng nangyari sa ’yo? May nakaaway ka ba? May nang-bully ba sa ’yo? Huwag mo kaming takutin nang ganiyan…”
Pero tanging iyak at sigaw ang kaya kong ibuga.
Hinampas ko ang ulo ko ulit pero agad akong sinabunutan ni Daddy at hinila palayo.
“SEV, TAMA NA! TAMA NA!” sigaw niya.
Pero tumutulo ang luha ko parang talon.
“Dad… Ma… hindi ko kaya… hindi ko kaya… hindi ko alam… hindi ko hindi-”
Hindi ako makahinga.
Sumisikip dibdib ko.
Parang lulubo ang utak ko sa guilt.
“Sev, anak…”
Lumapit si Mommy at niyakap ako kahit nanginginig ako.
“Sabihin mo sa amin ano’ng nangyari…”
Hindi ako makatingin sa kanila.
Hindi ako makapagsalita.
Hindi ako makahinga.
Kaya kinuha ni Daddy ang cellphone ko na nabasag ang screen.
Pinulot niya mula sahig.
At doon niya nakita…
Ang balita.
Tumahimik ang kwarto.
Sobrang tahimik.
Halos marinig ko ang pintig ng puso ko na parang baril na pumutok sa loob ng tenga.
Unti-unting nag-angat ng tingin si Daddy sa akin.
Namumula ang mata.
Nagnginginig ang kamay.
“Sev…” sabi niya nang mabagal.
“TANONG KO LANG… may… kinalaman ka ba dito?”
Umiyak ako nang mas malakas.
Humagulgol ako.
Humihikbi ako.
Pero hindi ako sumagot.
At doon sila pareho napatigil.
Si Mommy, napaupo.
Nanghina.
Parang mawawalan ng malay.
“Diyos ko…” bulong niya.
“Diyos ko… anong nangyari sa anak ko…”
Napasigaw ako ulit.
“HINDI KO GUSTO! HINDI KO GUSTO! HINDI KO SINADYA!”
Hinampas ko dibdib ko.
Sinasaktan ko sarili ko para gumising.
Para mawala ang alaala.
Pero hindi nawawala.
Kahit anong gawin ko nakikita ko pa rin ang mukha niya.
Yung luha niya.
Yung sigaw niya.
Yung takot.
Parang naka-ukit sa utak ko.
“SEV!” sigaw ni Daddy habang hawak ang balikat ko, nanginginig.
“Tumingin ka sa akin!”
Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko.
At doon ko nakita ang mukha ni Daddy
hindi galit.
Hindi galit.
Kundi takot.
Takot sa ginawa ko.
Takot sa kung anong klaseng tao ang anak niya.
Si Mommy naman, tuloy-tuloy ang hagulgol.
“Anak… bakit ka nagkakaganyan… ano’ng ginawa nila sa ’yo… ano’ng ginawa mo…”
At doon ako tuluyang bumagsak.
Tuluyang bumigay.
Umiyak ako sa sahig, nanginginig.
Parang bata.
Parang wala nang pag-asang huminga pa.
At paulit-ulit kong sinasabi habang nakasubsob
“Hindi ko gusto… hindi ko gusto… hindi ko gusto…”
Pero kahit sampung libong beses ko pang sabihin
hindi nun nababago ang katotohanan.
Nagawa ko.
At baka dahil sa ginawa ko… may napahamak.
May namatay.
At dun ako tuluyang nabaliw sa bigat ng konsensya.
“Hindi ko gusto… hindi ko gusto… hindi ko gusto…”
’Yun ang huling linya na naiiyak kong binitawan, nakaluhod ako sa sahig, nanginginig at halos mawalan ng hininga. Pero habang lumalalim ang pag-iyak ko, may kung anong biglaang sumabog sa dibdib ko. Parang biglang pumitik ang utak ko.
Biglang…
NAPATAYO AKO.
Hindi ko alam kung paano.
Hindi ko alam kung bakit.
Pero tumayo ako na parang sinisilaban ang buong katawan ko.
“SEV! Anak” sigaw ni Mommy.
Pero hindi ko siya pinakinggan.
Nagtatakbo ako palabas ng kama.
Hinagis ko ang lampshade.
PAGK!
Nabasag.
Hinagis ko ang unan.
Hinila ko ang bedsheet.
Binato ko ang basag kong cellphone sa pinto kahit wasak na.
“SEV! ANO BA?!” sigaw ni Daddy, pero hindi ko marinig.
Para akong nasa loob ng kulungan na puro echo.
“PUTANG INA!!!”
“ANO’NG GINAWA KO?!”
“BAKIT GANITO?!”
Hinampas ko ang pader.
Sunod ang mesa.
Sunod ang cabinet.
At nang mahawakan ko ang lampshade stand, binato ko rin iyon.
Halos mapigtal ang dibdib ko sa lakas ng hininga ko.
Si Mommy napasigaw.
“Diyos ko, Sev! Tumigil ka!”
Pero parang wala na akong kontrol sa katawan ko.
Para akong manika na kinalas ang mga tali.
Para akong binomba ng guilt na hindi ko mapigilan.
Habang nagwawala ako, nanginginig ang labi ko, at paulit-ulit kong sinasabi:
“Hindi ko gusto ’yun… hindi ko gusto ’yun… hindi ko gusto ’yun…”
Hanggang bigla nalang…
“HINDI KO SIYA GINAHASA!!!”
Tumigil ako.
Napahawak ako sa ulo ko.
Umalingawngaw ang sigaw ko sa buong kwarto.
Parang may pumunit sa dibdib ko.
Napatulala ako.
Napahinga nang malalim, pero hindi gumaan.
Mas lalo pang sumakit.
Nakita ko si Mommy nakahawak sa bibig niya, nanginginig, nanlalamig.
Napatras siya sa takot at gulat.
Si Daddy naman nakatitig lang.
Nakatayo, nanginginig ang panga, parang hindi makapagsalita.
Parang bumagal ang oras.
Para silang dalawang taong pinanood kung paano gumuho ang anak nila sa harapan nila.
Si Mommy, naupo sa kama.
Tumulo ang luha niya, sunod-sunod.
“Sev…” mahina niyang sabi, halos pabulong.
“A-Anak… ano’ng… ano’ng sinasabi mo…?”
Si Daddy naman, lumapit ng dahan-dahan na para bang baka mabasag ako pag nasaling.
“Anak…”
Ramdam ko ang panginginig ng boses niya.
“Tumingin ka sa amin.”
Ayaw ko sana.
Ayaw kong makita nila ako.
Ayaw kong makita nila kung gaano kadungis ang konsensya ko.
Pero dahan-dahan, inangat ko ang tingin ko sa kanila.
At doon ko nakita ang pinakamalalim na takot sa mata nila.
Hindi galit.
Hindi poot.
Kundi takot.
Takot na baka hindi na nila kilala ang anak nila.
Takot na baka ako nga ang dahilan ng lahat.
Napahawak ako sa ulo ko.
“Mom… Dad…”
Umiyak ako ulit, parang bata.
“Hindi ko alam… hindi ko alam… hindi ko gustong mangyari… hindi ko alam kung anong nangyari sa akin…”
At doon lalong lumakas ang hikbi ko.
Kumapit si Mommy sa braso ko.
“Anak… sabihin mo sa amin… totoo ba ’tong nasa isip namin?”
Hindi ako sumagot.
Hindi ko kaya.
Pero sa katahimikan ko,
sa pag-iyak ko,
sa panginginig ko…
nakuha nila ang sagot.
At doon, bumagsak ang balikat ni Daddy.
Parang nawasak ang isang pader sa loob ng kwarto.
At si Mommy,
napahagulgol ng malakas.
“SEV… ANAK… BAKIT…”
At sa unang pagkakataon mula pagkabata nakita kong natakot sila sa akin.
Nakita nilang hindi ako kontrolado.
Nakita nilang unti-unti akong nawawala sa sarili ko.
At habang nakaluhod ako ulit, umiiyak, nanghihina, basag ang buong pagkatao ko…
isang katotohanang hindi ko matakasan ang paulit-ulit na dumadagundong sa utak ko. Nagawa ko at hindi ko na mababawi.