THIRD-PERSON POV Tatlong araw ang lumipas na parang tatlong taon sa bigat at kaba ng lahat. Sa bawat umaga, may lalim ang katahimikan sa bahay nina Mutya katahimikang puno ng dasal, takot, at pagod na hindi kayang pantayin ng tulog. Ngayon, hindi na ito simpleng araw. Hearing na. Sa harap ng gusali ng korte, nagsisiksikan ang mga taong nakiusyoso at nakikiisa. May media, may kamag-anak ng mga biktima, at may mga taong simpleng gustong makita kung paano gumagana ang hustisya kapag ang kasalanan ay kasing bigat ng ginawa nila Cass at Sev. Umihip ang hangin pero kahit malamig, mainit ang palad ni Mutya habang mahigpit na nakahawak sa braso ni Monching. “Handa ka?” mahina ngunit matatag na tanong ni Monching. Hindi agad sumagot si Mutya. Pinilit niyang ngumiti kahit nanginginig ang labi. “

