MONCHING POV Hindi ko alam kung anong oras na nang matapos ang lahat. Sa loob ng abandoned na lugar na iyon.kung saan ang hangin ay parang may halong kalawang at lumang alaalang ayaw mamatay nakatayo lang ako, nakatitig sa kawalan. Parang may nawala sa loob ko. O baka matagal na talaga akong walang buo. Tahimik na si Kier. Hindi na siya sumisigaw. Hindi na nagmamakaawa. Wala na ring boses na humihingi ng awa. Tumigil na ang oras para sa kanya. Si Mutya ang unang kumilos matapos ang lahat. Walang emosyon sa mukha niya. Walang luha. Walang nginig. Parang isang taong matagal nang inihanda ang sarili sa sandaling ito matagal nang tinanggap na hindi na siya babalik sa kung sino siya noon. Hindi kami nag-usap. Hindi na kailangan. Magkasabay naming inayos ang lahat. Walang iniwang baka

