MUTYA POV Tahimik kaming nagbihis. Walang nagsalita agad, pero ramdam ko pa rin yung init ng presensya niya yung klase ng katahimikan na hindi awkward, kundi puno ng kung anong hindi mo pa kayang pangalanan. “Okay ka lang?” tanong niya, marahan ang boses. Tumango ako habang inaayos ang buhok ko. “Oo… medyo pagod lang.” Ngumiti siya. Yung ngiting hindi mayabang, hindi rin mapilit. Yung ngiting parang sinasabi, I’m here, no pressure. “Hatid na kita,” sabi niya. “Sa condo muna. You need to eat.” Napangiti ako. “Oo nga… gutom na gutom ako.” Tumawa siya nang mahina. “Sa ginawa natin” Tumigil siya, sabay taas ng dalawang kamay. “I mean, sa dami ng nangyari ngayong gabi.” “Hoy!” natawa ako, sabay hampas sa braso niya. “Loko ka.” Paglabas namin ng bar, malamig ang hangin. Tahimik ang pa

