" Lock all possible exits and entrances of the Wanaka area. Assign enough people to each tunnel. Double checkpoints will be assigned to each tunnel." unang babang utos ng nakatataas sa puwesto ng mga opisyales sa Wanaka. Kasabay nito ang mga nagliliparang militar chopper sa himpapawid at nag-aalingawngaw na firetruck, ambulance at police car. Humigpit ang buong town ng South New Zealand sa isang iglap kung kaya't ang grupong pumasok sa loob ng teritoryo ay natagpuang nagpatiwakal ayon sa nakaugaliang kultura ng mga yakusa. Walang magpapahuli ng buhay. Mabilis ding naiulat ng social media ang balita na siyang gumulantang sa buong mundo. **** KASALUKUYANG alas 8 ng gabi sa Pilipinas ng maglabas ng world news ang isang network sa New Zealand at alas 12 naman ng umaga sa nasabing lugar.

